• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President Duterte pinasiyanan ang bagong Skyway 3

Highways (DPWH), Citra Central Expressway Corp. at San Miguel Holdings ang siyang nagbigay daan upang mabuksan ang 19-kilometer segment ng Skyway na tumatahak mula sa Buendia, Makati hanggang North Luzon Expressway.

 

Dugtong pa ni Tugade na mayron na tayong tulo-tuloy na 35-kilometer elevated expressway na derechong magdudugtong sa Alabang at Balintawak.  Kung kaya’t walang duda na makakatulong ito ng malaki sa magandang takbo ng kalakalan at tao mula sa north papuntang south at sa Metro Manila.

 

Sinigurado din ni Tugade ang publiko na ang kanyang administrasyon ay patuloy na gagawin ang Build, Build, Build program na may pinakamatas na antas ng integredad, walang tinatago at may pananagutan.

 

Samantala, pinaalalahanan din niya ang mga kasama niya sa pamahalaan na maging responsible at hindi lamang masigurado ang tamang pagtatapos ng lahat ng pampublikong infrastructure projects at hindi rin magbigay ng inconvenience sa publiko sa loob ng pagtatayo ng ano mang proyekto.

 

Pinasalamatan din niya ang CITRA at San Miguel Corp. sa pagtitiwala sa kanyang administrasyon at kung saan nya sinabi na nagbunga na ang kanilang investment.

 

“The Skyway shall serve as an enduring edifice of the legacy that we will leave behind for future generations of Filipinos,” ayon pa rin kay Duterte.

 

Pinasalamatan din niya ang lahat ng Filipino dahil sa kanilang hindi mapapantayang kontribusyon sa pagsisikap ng pamahalaan upang magkaron ng isang maunlad na pamayanan.

 

“It is my hope that your deep sense of patriotism and social responsibility will serve as an inspiration to other captains of industry to actively participate in our shared task of nation building,” saad ni Duterte.

 

Sa mensahe naman ni DPWH Secretary Mark Villar ay kanyang sinabi na nabigay na ni President Duterte ang kanyang pangako na maalis ang traffic sa EDSA sa pamamagitan ng Skyway 3.

 

Ayon kay Villar noong 2016 kung saan siya nagumpisa sa DPWH, ang congestion level sa Metro Manila ay 71 percent, pangalawa sa pinakamatindi ang trapiko sa buong mundo kung saan ang Pilipinas ay nawawalan ng P3.5 billion na kita kada araw. Subalit ngayon 2022 ay hindi na ganito dahil sa political will ni President Duterte.

 

Dahil sa proyekto, ang DPWH ay nag relocate ng 47 National Grid Corp poles at 1,312 Manila Electric Co. poles upang magawa lamang ang proyektong ito. Noong 2017, ang nasabing proyekto ay may 8.64 percent lamang na right-of-way na kinakilangan para sa lahat ng alignment ang nagawa.  (LASACMAR)

Other News
  • 2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN

    TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.     Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]

  • Idol siya ng bagong child actress: JILLIAN, naalala ang pagiging bata nang magkita sila ni SIENNA

    BIG fan pala ng bagong Kapuso child actress na si Sienna Stevens ang former child star na si Jillian Ward.     Nagkaroon ng pagkakataon si Sienna na bisitahin ang idol niya sa set ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’. Noong magkita na sila, sinabi ni Sienna kay Jillian ay: “Idol po kita, gusto ko maging Daldalita.” […]

  • DICT, nakikipag- ugnayan na sa COMELEC at NBI ukol sa isyu ng security breach sa operasyon ng Smartmatic

    NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Information and Communications (DICT) sa NBI at COMELEC kaugnay ng usaping security breach sa operasyon ng SMARTmatic na siya pa namang service provider sa sistemang gagamitin para sa May 9 national elections.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DICT secretary Emmanuel Caintic, kung lalabas sa pagsisiyasat na […]