• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.

 

 

Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at maging maunlad ang mga negosyo sa Metro Manila.

 

 

“The arrival of the trains and the significant progress made on the MRT 7 project confirm this administration’s strong commitment to pursue critical infrastructure projects even amid the challenges of the COVID-19 pandemic,” wika ni Duterte.

 

 

Ang MRT 7 na may habang 24 kilometro mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan ay 60 porsiento ng tapos at inaasahang magiging operasyonal sa darating na 2022.

 

 

Dagdag pa ni Duterte na ang MRT 7 ay isang rail transportasyon na makapagbibigay ng mas mabilis, ligtas, kaaya-aya, maginhawa, at komportableng pagbiyahe ng mga pasahero.

 

 

May anim (6) na bagong train sets o labing-walong (18) train cars ang dumating at pinakita ng Pangulong Duterte.

 

 

Ang MRT 7 ay nagkakahalaga ng P77 billion at binigyan ng pondo mula sa public at private partnership ng San Miguel Corporation sa ilalim ng build-transfer-and operate na pamamaraan at may 25 taon na concession period.

 

 

Inaasahang mabibigyan ng serbisyo ang may 300,000 na pasahero sa unang taon ng operasyon hanggang 850,000 na pasahero kada araw sa ika-12 taon ng operasyon nito.

 

 

May kabuohang 108 rail cars o 36 train sets ang binili mula sa South Korea’s Hyundai Rotem ang babagtas sa 14 na estasyon nito. Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng North Avenue at San Jose Del Monte kung saan ito ay magiging 35 minutes na lamang mula sa dating tatlong (3) oras ng paglalakbay. Inaasahang mababawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

 

 

“MRT 7 is a vital cog in our long-term goal to develop an integrated and interconnected transportation system where people from all income levels can get around and beyond the metropolis, quickly and efficiently. More than an affordable, reliable and efficient means to move people, MRT 7 signifies a turning point in our resolve to promote equity and inclusivity across our cities. It’s a better vehicle for opportunities, equity and better quality of life for Filipinos,” ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon Ang.

 

 

Nanawagan pa rin si Duterte sa mga sangay ng pamahalaan na dapat masiguro ang madaling pagpapatupad at pagtatapos ng mga malalaking proyekto ng pamahalaan habang patuloy na may kaakibat na transparency, integrity at accountability sa mga operasyon.

 

 

Pinasalamatan naman ni Duterte ang partnership ng SMC at ang Department of Transportation (DOTr) dahil naging posible ang proyektong MRT 7.

 

 

Ang proyektong MRT 7 ay may 14 na estasyon tulad ng Quezon North Avenue, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Dona Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.  LASACMAR

Other News
  • DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng  bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang  turista.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na […]

  • Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon

    Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.     Sinabi ni Office […]

  • Gilas Pilipinas sisimulan na ang puspusang ensayo sa Laguna

    MAGSISIMULA na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna. Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna […]