Presidential Adviser for Creative Communication Paul Soriano, 3 opisyal ng Comelec, nanumpa sa tungkulin sa harap ni PBBM
- Published on October 19, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nanumpa ngayon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktor at film producer na si Paul Soriano na itinalaga bilang Presidential Adviser for Creative Communication.
Kasama ni Soriano ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak na si Severiano Elliott Gonzaga Soriano.
HIndi naman lingid sa kaalaman ng lahat na lantaran ang ginawang pangangampanya ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga para sa kandidatura nina Marcos at Duterte.
Si Soriano ang rin ang nagsilbing direktor ng mga campaign ads nina Bongbong at Sara habang si Toni naman ang nag-host ng mga campaign rallies ng UniTeam.
Si Soriano ay pamangkin ng misis ni BBM na si Liza Araneta at ninong din ang bagong halal na pangulo ng bansa sa kasal nina Paul at Toni.
Samantala, bukod kay Soriano, nanumpa rin sa kani-kanilang tungkulin sina Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr. at Commissioner Nelson Java Celis at Comelec Chairman George Erwin Garcia. (Daris Jose)
-
Kate Winslet’s New Limited Series ‘Mare of Easttown’ Debuts Exclusively on HBO and HBO GO
STARRING Academy Award®, Emmy® and Golden Globe®-winner Kate Winslet (HBO’s “Mildred Pierce”), from creator and writer Brad Ingelsby (“The Way Back”), with all episodes directed by Craig Zobel (HBO’s “The Leftovers”), the seven-part limited series Mare Of Easttown debuts same time as the U.S. on Monday, 19 April at 10am exclusively on HBO GO and HBO, with a same day […]
-
Higit 1,700 mga pasahero ng tren, nasampolan ng ‘no vaccination, no ride’
MAHIGIT 1,700 na mga pasahero ng tren ang hindi pinayagang makasakay matapos na hindi makapagpakita ng vaccination cards ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region (NCR). Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ […]
-
‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases
Nakatakdang pulungin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]