• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidential envoy nagpaliwanag: Picture ni Cassandra Li Ong kasama ang First Couple

ITINANGGI ng presidential special envoy to China ang ‘malapit na ugnayan’ sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Cassandra Li Ong, na iniuugay sa illegal POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ang pagpapabula ni Presidential special envoy to China for Trade, Tourism and Investment Benito Techico ay matapos na ipalabas ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Ong ang group photo na nagpapakita na ang First Couple kasama si Techico at Ong at sinasabing POGO owner sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Techico, ang ‘photo’ ay authentic, subalit ang kuwento ni Topacio ay hindi totoo.
Winika pa ni Techico na ang larawan ay kuha sa Pasay City restaurant noong November 2020, bago pa mahalal si Pangulong Marcos bilang Pangulo ng bansa.
Noong panahon na aniya na iyon ay mayroong humiling na magpakuha sa Pangulo subalit wala aniya siyang ideya kung sino ang mga ito.
“After dinner, may pinakilala ‘yung restaurant owner na hindi rin naman namin alam kung sino. May mga kasama siya, pumasok na Chinese, at humingi ng litrato sa ating Presidente [around] 2020. Ang ating Presidente naman ay pinayagan naman po, the typical na nagpa-papicture. Ganon lang kasimple. After that lumabas na po [sila],” ayon kay Techico.
Sinabi nito na doon lamang niya natuklasan na ang larawan ay kuha kasama ang Marcos couple nang maisapubliko ito ni Topacio sa press conference.
Sinabi ni Techico na hindi niya nagawang kausapin si Pangulong Marcos ukol sa naturang larawan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Topacio na ang di umano’y larawan na nakuha niya mula sa internet, ay maaaring makapagpaliwanag kung bakit dumami ang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa panahon ng administrasyong Marcos.
Si Ong ay awtorisadong kinatawan ng Lucky South 99, isang POGO hub na sinalakay sa Porac, Pampanga. Inaresto ito noong nakaraang linggo sa Indonesia noong nakaraang linggo at dinala sa Pilipinas kasama si Shiela Guo, kapatid ng dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na iniuugnay sa illegal POGO operations.
Sina Ong ay inilipat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso habang si Shiela Guo naman ay inilipat sa Senado mula sa National Bureau of Investigation (NBI), na siyang kustodiya ng mga ito nang dumating sa bansa. (Daris Jose)
Other News
  • TANYA, laking gulat nang mag-positive ang buong pamilya kahit maingat at halos mapraning sa COVID-19 virus

    MAINGAT at praning ang actress na si Tanya Garcia dahil aminado itong sobrang takot na makakuha ng COVID-19 virus, kaya gano’n na lang talaga ang gulat niya nang silang buong pamilya ay maging positibo rito.     Last week of March daw nang malaman nila na positive silang lahat. Siya, ang mister na si Mark […]

  • “Appointed Son of God” na si Quiboloy, kayang ipagtanggol ang sarili sa Korte-Malakanyang

    BILANG PRIBADONG indibidwal, kayang-kayang ipagtanggol ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang sarili sa korte.     Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na ianunsyo ng United States Department of Justice (US DOJ) na pumayag na ang co-accused ni Quiboloy na makipagtulungan sa US […]

  • Jerson Cabiltes bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals

    NAKATAKDA nang dalhin ni Jerson Cabiltes ang kanyang coaching skills sa collegiate ranks.   Ito ay matapos siyang hirangin bilang bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA men’s basketball kapalit ni Oliver Bunyi.   Ang appointment kay Cabiltes ay dumating ilang linggo matapos lumutang ang kanyang pangalan sa bakanteng De La Salle […]