Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI
- Published on August 27, 2022
- by @peoplesbalita
IDINEPENSA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets.
Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang pagtataas ng presyo ng mga ito na kanila namang pinagbigyan.
Batay sa mga ulat, nagtaas ng P0.75 hanggang higit P3.00 ang presyo sa rock salt at iodized salt.
Paliwanag pa ni Castelo hindi kapos ang supply ng locally produced na asin sa bansa kailangan lang talaga may bahagyang taas sa presyo.
Aniya, may apat na malalaking kumpanya ang gumagawa ng asin sa bansa habang mayroon din mga imported kaya hindi magkukulang ang suplay nito. (Daris Jose)
-
MOU para i-to develop ang New Clark City kabilang sa tinintahan ng Pinas, Singapore
KAPWA pinirmahan ng Pilipinas at Singapore ang iba’t ibang memoranda of understanding (MOU) at agreements sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore. Maliban sa MOU sa digital cooperation, data protection at recruitment ng mga Filipino healthcare workers, ang iba pang kasunduan na nilagdaan ay ang kolaborasyon ng “business opportunities” […]
-
PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro
Binatikos ng ilang PBA play-ers at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu. Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players. “Sad to […]
-
Inamin na naiinip na ang Kuya Jak niya: SANYA, malinaw na ang mga mata pero hirap pa ring makikita ng dyowa
SA inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang mga ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez. Pareho silang sumailalim sa lasik surgery kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga mata. Inamin si Sanya na noong una ay […]