• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo

NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.

 

 

Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market.

 

 

Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, hindi lamang sa Kamaynilaan mataas ang presyo ng bigas, kundi maging sa mga rice producing pro­vinces din.

 

 

Tinukoy ni Estavillo ang Aurora province, na nasa P52 kada kilo ang pinakamurang bigas.

 

 

Nakakalungkot aniya ang reyalidad, lalo na at magpa-Pasko pa naman.

 

 

Babala naman ni Estavillo, maaaring magpapatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bigas sa panahon ng Kapaskuhan at umabot pa ng hanggang P60 kada kilo bunsod ng kawalan ng konkretong solusyon ng pamahalaan.

 

 

“Nakakatakot. Baka aabot talaga ng P60 per kilo ‘yong mga regular-milled rice given na wala namang nagagawang concrete na solusyon ‘yong gobyerno bagkus ay mag-import,” aniya, sa panayam sa Teleradyo Serbisyo. (Daris Jose)

Other News
  • Zack Snyder’s ‘Army of The Dead’ Unveils Poster Ahead of Trailer, Set May 21st Release at Netflix

    WORLDWIDE fans of SNYDER were given a special treat last week with the release of the full trailer for Zack Snyder’s Justice League.     It featured Jared Leto’s Joker, giving life to the “We live in a society…” meme.     Now, the director drops more details for his other upcoming film, Army of The Dead, including […]

  • Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan

    Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City.   Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­seases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams […]

  • NBA TARGET ANG MULING PAGBABALIK SA DEC. 22

    UNTI-UNTI nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 22 ng taong kasalukuyan.   Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors.   Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan.   Gayunman kailangan […]