Presyo ng bilihin, pinangangambahanag tataas matapos ang bagyo
- Published on July 29, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGANGAMBAHANG tataas ang presyo ng bigas, gulay, manok, isda at iba pang produkto matapos tumama ang supertyphoon na si Egay (international name Doksuri) sa ,gaa sakahan at coastal areas partikular sa Central at Northern Luzon regions.
Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas secretary general Ronnie Manalo, mas lalong tataas ang presyo ng pagkain at mga bilihin dahil sa epekto ng superbagyo.
Base sa initial assessment ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, nasa 2,009 ektarya ng palayan ang naapektuhan habang nasa 1,176 ektarya ng maisan ang nasira mataos bagyuhin ang Abra, Cagayan, Isabela, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan at iba pang bahagi ng Central at Southern Luzon provinces.
Inaasahan na tataas pa ang sira sa susunod na araw.
Sa ilang lugar sa Cagayan, binaha ang taniman ng palay at mais. Sinubukan naman ng mga magsasaka sa Pangasinan na anihin agad ang pananim bago ang takda sanang anihan.
Matinding tinamaan ng bagyo ang Ilocos region kung saan isinailalim na ito sa state of calamity dala na rin sa naapektuhang mahigit sa 21,000 katao. Sa Ilocos Sur, 14 munisipalidad ang wala pa ring kuryente at access sa manilins na tubig at mahigit sa 14,000 indibidwal ang nangangailangan ng agarang tulong.
Hinikayat naman ng grupo ang gobyerno na agad magpatupad ng price freeze sa mga nasalanta ng bagyo at magbigay tulong sa mga magsasaka at mangingisda at mga residenteng tinamaan ng bagyo.
Isang bagyo ang nakikitang namumuo, ayon sa PAGASA. Kapag pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility, tatawagin ang naturang tropical storm na FalconPH. (Daris Jose)
-
Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD
IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na […]
-
Dingdong, pinangunahan ang panawagan para makaipon ng donasyon
AGAD na nagtulong-tulong ang mga bumubuo ng AKTOR para makaipon ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses. Ang AKTOR ay samahan ng mga Pilipinong aktor, sa pangunguna ng tapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes. Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang grupo ng tulong sa publiko. “Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta […]
-
4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas
SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, […]