• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO

MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy  sa P400 bawat  kilo  sa ilang palengke sa Metro Manila.

 

 

Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon.

 

 

Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim at pigue.

 

 

Ayon naman sa Pork Producers Federation of the Philippines na posible pa itong tumaas pa sa mga susunod na araw.

 

 

Ayon naman sa Farmers group na  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na dapat hindi aabot ng P400 ang baboy dahil P230 lamang ang farm gate price nito. Malinaw umano na mistulang may nagmamanipula sa presyo ng mga ito upang  sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa P400/kilo.

 

 

Anila dapat maglalaro lamang  sa P340 hanggang P350 ang presyo ng karne ng baboy. Tugon naman ng DA sa isyung ito ay pataasin ang importasyon ng karne ng babaoy lalo na sa Metro Manila upnag bumagsak ang presyo nito.

 

 

Pangunahing sanhi ng kakulangan ng karne ng baboy sa Luzon ay ang mababang produksyon nito dahil sa African Swine Fever na halos lumipol sa populasyon ng baboy sa Luzon (RONALDO QUINIO)

Other News
  • LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

    SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]

  • Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

    Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.     Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga […]

  • Marcial: PBA hihinto sa FIBA

    BALAK ipagpatuloy ng International Basketball Federation (FIBA) ang delayed windows ng 2021 Asian Cup qualifiers sa darating na Nobyembre’t Pebrero. Kung hindi pa kontrolado ang coronavirus disease 2019 sa November, hahataw ang mga laro sa FIBA sa kaagahan ng papasok na 2021 para matapos ang torneo ng bago matapos ang Agosto. Pinag-aaralan na ng Philippine […]