Presyo ng mga bigas, magiging stable -DA
- Published on September 12, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSANG sinabi ng Department of Agriculture (DA) na magiging stable na ang presyo ng bigas at palay dahil magsisimula na ang pag-ani ng mga nasabing pangunahing tanim ngayong Setyembre at Oktubre.
Target ang initial harvest na 5 milyong metriko tonelada.
Base sa Philippine Rice Information System (PRiSM), tinatayang “as of August 14”, ang inisyal na naani na palay ay umabot sa 2 MMT sa pagtatapos ng Setyembre at 3 MMT sa buwan ng Oktubre, may kabuuang 5 MMT.
“In all, for the second semester, or July to December, we estimate to produce more than 11 million metric tons, and barring strong typhoons in the remaining months of the year, we hope to hit the 20-million MT level for 2023 national palay output,” ang sinabi ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leo Sebastian sa kanyang report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nauna rito, inaprubahan naman ng Pangulo ang rekomendasyon ng DA at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng price ceilings sa bigas sa bansa sa gitna ng pagtaas ng retail price sa bigas sa lokal na pamilihan.
“This set the mandated price ceiling for regular milled rice at P41 per kilo and P45 per kilo for well-milled rice,” ang nakasaad sa Executive Order No. 39.
Para sa buwan ng Setyembre, sinabi ni Sebastian na iniulat ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na ang bulto ng 2.3 MMT na ani ay manggagaling mula sa:
Isabela (419,000+ MT), Cagayan (172,000+ MT), Iloilo (148,000+ MT), Nueva Ecija (137,000+ MT), North Cotabato (95,000+ MT), Leyte (91,000+ MT), Oriental Mindoro (77,000+ MT), Camarines Sur (76,000+ MT), Palawan (73,000+ MT), Bukidnon (61,000+ MT), Zamboanga del Sur (55,000+ MT), at Davao del Norte (52,000+ MT)
Tinatantya na 2.9-MMT na palay ang maaani, habang inaasahan naman na magmumula ito sa mga lalawigan gaya ng:
Nueva Ecija (440,000+ MT), Pangasinan (258,000+ MT), Tarlac (172,000+ MT), Isabela (163,000+ MT), Occidental Mindoro (153,000+ MT), Cagayan (151,000+ MT), Oriental Mindoro (110,000+ MT), Palawan (90,000+ MT), Bulacan (74,000+ MT), Iloilo (74,000+ MT), Bukidnon (69,000+ MT), Agusan del Sur (61,000+ MT), Ilocos Sur (59,000+ MT), Leyte (55,000+ MT), at Camarines Sur (53,000+ MT) sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.
Sa panahon ng 2023-2024 dry season, winika ni Sebastian na ang DA, sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ni Pangulong Marcos, ay patuloy na magbibigay sa mga clustered rice farmers ng kinakailangan ng mga ito na “high-yielding seeds, fertilizers, biofertilizers, soil ameliorants, farm machinery, and extension, financial, at marketing support.
“Initially, we will focus on fully irrigated clustered farms to optimize palay yield, where farmers would plant high-yielding hybrid rice varieties, to at least one million hectares (ha), and we expect them to produce an average of six to eight MT per hectare, for a total of 6 to 8 MMT,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
‘Sine Sandaan’, magtatapos sa bonggang closing ceremony at virtual concert
SINA Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Isay Alvarez, Robert Seña, The Company, at Lea Salonga kasama ang Acapellago ang mga headliners sa “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony.” Ang two-hour virtual event na ito ay iho-host at i-stream online ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong 8 p.m. (September 30) […]
-
Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang
TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households. Siniguro ni Andanar, may available ng […]
-
DOTr naghahanap ng consultant na gagawa ng Davao bus transit system
NAGHAHANAP ng consultant ang Department of Transportation (DOTr) na gagawa ng kauna-unahang integrated city-wide bus service na itatayo sa Davao City. Sa isang request ng expression ng interest mula sa DOTr, hinihingan ang mga consultancy firms na mag submit ng kanilang qualifications upang silang mangasiwa sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP). […]