Presyo ng petrolyo muling sumirit
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa nareresolbang banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, at Seaoil simula alas-6:00 ng umaga ng Marso 29, habang ang Cleanfuel sa parehong dagdag na presyo ang iiral alas- 8:01 ng umaga, araw din ng Martes.
Nasa P9.40 naman sa kada litro ng kerosene ang ipatutupad ng Shell at Seaoil habang ang PetroGazz at Cleanfuel ay walang produktong kerosene.
Inaasahan ding susunod na magpapalabas ng advisory sa kaparehong price increase ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.
Nabatid na noong nakalipas na linggo nang isaalang-alang ng European Union ang pagbabawal sa pag-importa ng langis at gas ng Russia, dahil sa mas mataas na presyo. (Daris Jose)
-
Valenzuela CDC, nagpulong para pag-usapan ang mga programa sa hinaharap
NAGPULONG ang Valenzuela City Development Council (CDC) sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian upang talakayin ang kalagayan at progreso ng kasalukuyang mga proyekto saka balangkasin ang mga programa sa hinaharap para sa patuloy na socio-economic development ng lungsod. Si Mayor WES, kasama si City Engineering Office head, Engr. Reynaldo Sunga, ay nagbigay ng […]
-
40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA
DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]
-
Top Radio Anchors sa Bansa, Tampok sa mga Bagong Programa ng Radyo5
NGAYONG 2023, kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!” Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to […]