• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng swab o PCR test, bagsak-presyo Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa Corona virus.

Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing na kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati- hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mula sa dating P3,000 kada salang sa swab test, ito ay maaari na lang bumaba sa P300.00.

“P300.00. Kasi there will be ten people using one test kit. So, it’s divided by ten, so it will be P300.00. So, now anyone can afford to have a test,” aniya pa rin.

Ang bagong hakbang na ito ani Sec. Roque ay bahagi na din aniya ng major changes at bagong istilo na ipatutupad ng gobyerno sa harap ng palalakasin nitong massive testing efforts.

At dahil sigurado na ang magiging abot kaya na ang pagpapa COVID test, kumbinsido aniya silang bababa na ang case reproduction rate gayundin ang case doubling rate.

Mas magiging mabilis na aniya ngayon ang pag a- isolate sa mga nagpositibo at negatibo sa swab test.

“And can you imagine the results, if they are tested, who wants to be tested, we can isolate the positive, as soon we isolate the positive in a massive targeted testing that we are about to embark, you can see that the R-naught (R0), the case reproduction rate, as well as the case doubling rate will go down dramatically,” pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • SEKYU TINARAKAN SA LIKOD NG SELOSONG BARANGAY EX-O

    MALUBHANG nasugatan ang isang 55-anyos na security guard matapos saksakin ng 67-anyos na barangay opisyal dahil sa selos nang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong saksak sa likod si Raul Baquirin, 55 ng 221 […]

  • 1 John 4:18

    There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

  • PFL team sisipa na sa ensayo

    MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito.   Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner  Mikhail Torre, ay ang United […]