• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pribadong sasakyan kailangan pa rin na magsumite ng certificate mula sa emission centers

KAILANGAN pa ring magsumite ng mga private vehicles ng certificate mula sa emission centers o Private Motor Vehicle Inspection para irehistro ang kanilang sasakyan.

 

Ang paglilinaw ay inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo oa Duterte na huwag gawing mandatory ang MVIS na ang ibig sabihin aniya ay kinakailangan na walang bagong singil, walang karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

 

“Ito po ang naging desisyon ng Presidente kung saan ay binalanse ng Pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nakakaranas ng hirap.. hindi lamang po dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil nga po sa covid 19 at African Swine Flu (ASF),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang mabuting balita aniya ngayon, alinsunod sa naging kautusan ng Chief Executive ay ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.00

 

“For 600 pesos, habang panahon ng pandemiya, ang inyong sasakyan po will be subject to 73 road worthy inspection check,” ani Sec. Roque.

 

“Alinsunod sa panawagan ng ating Presidente, ang mga may ari ng private motor vehcile inspection centers na nagsabi na kapareho lamang ang sisingilin nila na 600 peros kapareho po yan ng mga emission test centers bagamat ang serbisyo na ibibigay nila ay 73 road-worthy inspection check points. Ganito po ngayon yan. Dalawa po yang pupuwede ninyong isumute, yung emission na dati na po yan or MVIS. hindi pupuwede na wala ang pareho. Pero dahil sa panawagan ng Presidente, hindi po magtataas ng presyo ang MVIS, kapareho lang po ng sinisingil ng mag emission centers na 600 pesos. kaya nga nagpasalamat tayo dahil habang may pandemiya eh nakaisa naman po yung mga may ari ng private motor vehicle inspection centers at hindi sila magsisingil ng karagdagang kung ikukumpira doon sa emission testing centers,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Paralympian Achele Guion, hangad na makakuha ng medalya sa Paralympic Games

    Patuloy ang paghahanda ng anim na pambansang atleta na lalahok sa Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Agosto 24- September 5, 2021.     Kabilang sa kanila si Achele Guion na naghahangad na manalo ng medalya matapos na magkaroon ng inspirasyon sa panalo ng gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.     Sinabi […]

  • Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date

    MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date.     Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]

  • 2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

    Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021.     Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang […]