• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pribadong sektor, hindi nagpapatupad ng ‘no jab, no pay’ policy —Concepcion

ITINANGGI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na nagpapatupad ang pribadong sektor ng “no vaccine, no salary” policy.

 

“‘No jab, no pay,’ that’s not true,” diing pahayag ni Concepcion sa isang virtual press briefing.

 

“None of the companies that we are aware of are implementing ‘no jab, no pay’,” dagdag na pahayag nito.

 

Isimiwalat kasi ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay na mayroong grupo ng mga empleyado ng isang kompanya sa Kalakhang Maynila ang lumapit sa kanila at ipinaalam sa kanila ang nasabing polisiya.

 

Dahil dito, hinikayat ni Tanjusay ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng labor advisory warning laban sa mga employers kontra sa ipinatutupad na polisiya.

 

Samantala, sinabi naman ng Department of Health na hindi requirement para sa mga manggagawa ang magpabakuna muna bago matanggap ng mga ito ang kanilang sahod.

 

Gayunman, sinabi ni Concepcion, na inirekumenda ng kanyang grupo na ang mga empleyado sa high-risk and labor-intensive business establishments ay kailangan na fully vaccinated para maiiwas ang mga hindi bakunadong tao na mahawa ng malalang infection ng COVID 19.

 

“We are making a recommendation to Secretary [Silvestre] Bello that in labor-intensive businesses for example, semiconductors, call centers, or even POGOs or business establishments that entry is only for fully vaccinated customers, we are requesting that a vaccine mandate be implemented only for these sectors to protect the unvaccinated,”ayon kay Concepcion.

 

“I hope that soon enough, as vaccine supply stabilizes, DOLE can look into making vaccination mandatory in these high-risk industries,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Concepcion na hindi maaaring gamitin ng mga employers ang vaccination status ng kanilang mga empleyado bilang “excuse” para hindi bayaran ang mga ito para sa serbisyong kanilang naibigay.

 

“Employers should not use vaccination status as a qualifier whether the employee will get his or her salary. All employees should be paid for their work and service. No ifs and buts,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • ER ng private hospitals higit 100% puno na

    Lagpas na sa 100% ang kapasidad sa operasyon ng maraming pribadong pagamutan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital pa nga ang nasa 130%-150% na ang operasyon ng mga […]

  • Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon

    SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo. Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS). Sinabi ni PSA chief  Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril. Nagtala rin ang PSA ng 95.9 […]

  • LTFRB: Petisyon sa pagtataas ng TNVS fare sasailalim sa hearing

    MATAPOS ang P1 provisional increase ng pamasahe ng mga jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magsasagawa naman ng hearing sa petisyon ng Transport Network Companies (TNC) sa pagtataas ng pamasahe sa mga ride-hailing apps.   Sa darating na June 29 na gagawin ang […]