• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price cap sa presyo ng gamot, tinintahan ni Duterte

PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 104 na naglalagay ng price cap sa kabuuang 86 drug molecules o 133 drug formulas sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng EO 104 o “Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines,” maglalagay na ng regulasyon sa mga gamot na sakop ng price cap sa pamamagitan ng pagtatakda ng maximum retail price (MRP) at maximum wholesale price (MWP).

 

“Access to affordable and quality drugs and medicines is now a reality under the Duterte Administration. This measure is part of the real and lasting reform which President Rodrigo Roa Duterte has instituted in order that all Filipinos can live decent and comfortable lives that they deserve,” sabi ni Panelo.

 

Nauna nang isinulong ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng regulasyon sa presyo ng mga gamot na ginagamit sa maraming sakit kagaya ng hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases o mga kondisyon na may kaugnayan sa mga bagong silang na sanggol at sa mga pangunahing sakit na cancer.

 

“After considering the factors provided in section 19(a)(2) of RA no. 9502, as amended, among others, an MRP and/or MWP were determined and are now imposed on select drugs and medicines totalling to 86 drug moelecules or 133 drug forumals annexed to this order,” nakasaad sa EO 104.

 

Sa ilalim ng EO inaasahang bababa sa 56 porsiyento ang presyo sa kasalukuyan ng mga tinukoy na gamot na sakop ng price cap.

 

“Within 30 days from the issuance of this order, a technical working group composed of representative from the DOH and Department of Trade and Industry (DTI) shall convene and review, in consultation with stakeholders, the prices of the remaining 36 drug molecules or 72 drug formulas previously proposed to be subject of the MRP o MWP,” sabi pa ng EO 104. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA

    MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     “Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was […]

  • Kelot, bebot kulong sa droga at pagpalag sa parak sa Caloocan

    HIMAS-REHAS ang dalawang drug suspects, kabilang ang 54-anyos na ginang matapos mabisto ang dalang shabu makaraang manlaban umano sa mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.   Mahaharap sa kasong paglabag sa Disobedience to a Person in Authority or his Agent at Comprehensive Dangerous Drug Act […]

  • CARMINA at ZOREN, pinag-iingat ang anak na si Cassy pagdating sa lovelife

    PAGDATING sa usapang lovelife, pinag-iingat nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi.     Nasa edad na raw si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advise ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love. Huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya.   […]