‘Price ceiling’ sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatakda ng hangganan sa pagpepresyo ng ilang produktong baboy at manok sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsirit nito buhat ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa suplay ng karne sa Pilipinas.
Una nang humiling ng “price control” at dagdag sahod ang mga manggagawa’t Department of Agriculture matapos umabot sa P400/kilo ang baboy nitong Enero sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“Naprirmahan na po ng ating presidente ang Executive Order 124. Ito po ay nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok,” ani presidential spokespeson Harry Roque sa isang briefing, Lunes.
“Hindi na po pupwedeng ibenta ang baboy, ang pigue, na higit pa sa P270/kilo. Ang liempo hindi pupwedeng ibenta nang mas mataas pa sa P300/kilo at ang dressed chicken ay hindi po pu-pwedeng ibenta nang [higit sa] P160/kilo.”
Ang kautusan ay epektibo sa loob ng 60 na araw matapos maisapubliko sa mga peryodiko at Official Gazette, maliban kung palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos irekomenda ng DA.
Haharap naman sa mga parusa ang sinumang lalabag sa naturang kautusan ni Digong, paliwanag ni Roque.
“‘Yung mga hindi po susunod, meron pong ipapataw na parusa kasama po ang pagsasarado ng mga pwesto. So kung gusto niyo pong manatiling magnegosyo… ng baboy at manok, sumunod po tayo sa price ceiling,” dagdag ng tagapagsalita ng presidente.
“Sa panahon ng pandemya, kailangan naman pong magbayanihan po tayong lahat.”
Nangyari ang mga pagsirit sa presyo ngayong nalulugmok ang ekonomiya ng Pilipinas. Umabot kasi sa 9.5% ang ibinansot ng gross domestic product (GDP) ng bansa nitong 2020 dahil na rin sa tama ng mahahabang COVID-19 lockdowns at serye ng mga sakuna.
Itinuturing itong pinakamalaking pagbulusok sa economic output ng Pilipinas simula nang mag-record ng GDP data ang bansa noong 1946 — bagay na sinundan ng 7% contraction noong 1984 sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.
Wala pa namang balita kung magpapatupad din ng kahalintulad na EO sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila.
Sa huling inilathalang price monitoring ng DA nitong Biyernes, umaboty sa P400 hanggang P440 ang presyo ng kilo ng liempo, habang P170 hanggang P200 ang whole dressed chicken.
-
VisMin sasaklolo sa basketbol
PUNTIYRA ng Pilipinas VisMin Super Cup na mabigyan ng magandang buhay, mapaangat ang playing career ng mga manlalaro sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang propesyonal na liga ng basketbol sa bansa. “We will be very happy kapag marami na sa aming mga player ang makikita namin na kukunin para maglaro sa Manila […]
-
DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA
CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan. Pagbibigay […]
-
Bidang-bida sa three-part erotic series: VINCE, ‘di lang suwerte kundi blessed kaya ganun na lang ang pasasalamat
AMINADO sina Vince Rillon at Ayanna Misola na nakaramdam sila nang matinding pagod na gawin nila sa pinag-uusapang extended love scenes sa ‘Larawan’ na unang bahagi ng Vivamax erotic three-part series na L, mula sa direksyon ni Topel Lee. Napanood nga ito last February 27 sa pamamagitan ng streaming sa Vivamax. Written and […]