• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Price ceilings sa bigas, ipinatupad sa Valenzuela at Navotas

IPINATUPAD na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at Navotas ang Executive Order No. 39 na inisyu ng Malacañang o ang Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa Bigas sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan at mga supermarket sa parehong lungsod.

 

 

Sa Valenzuela, bumuo ng Task Force si Mayor Wes Gatchalian upang tutukan ang pagpapatupad ng price cei­ling sa bigas sa lungsod.

 

 

Ito’y kasunod ng isinagawang pulong ng alkalde sa mga market masters at business owners upang makuha ang kanilang pananaw sa nasabing pagtatakda ng presyo sa bigas.

 

 

Ipinaliwanag din sa kanila ang mga alituntunin para sa pagpapatupad ng direktiba na sinimulan nitong Martes, September 5.

 

 

Ayon kay Gatchalian, ang naturang task force ang iikot sa lungsod at magmo-monitor kung naisasagawa ba ng mga retailers ang price ceiling na P41 hanggang P45 sa regular at well-milled rice.

 

 

Sinabi pa ni Mayor Wes na buo ang kanyang suporta suporta at kooperasyon sa pambansang direktiba na naglalayong protektahan ang mga small-time traders at retailers pati na rin ang mga consumer mula sa malawakang pagsasagawa ng umano’y ilegal na manipulasyon at pag-iimbak ng presyo.

 

 

Samantala, tinututukan din ng Navotas City Agriculture Office at Business Permits and Licensing Office ang pagpatutupad ng EO No. 39 sa lahat ng mga pamilihan sa lungsod.

 

 

Layon nito na imonitor at matiyak na sinusunod ng mga tindahan ng bigas sa Navotas City ang itinakdang price cap.

 

 

Nauna rito, pinulong ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang Local Price Coordinating Council sa mga rice retailers para mapag-usapan ang EO, malaman ang kanilang opinyon, at maiparating  sa kaukulang ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing at suhestiyon.

 

 

Noong Agosto 31, pinirmahan at inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng EO No. 39 ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng price ceiling sa bigas sa bansa. (Richard Mesa)

Other News
  • Pacquiao, ‘pinaka-best fighter’ na nakalaban ko – Mayweather

    Itinuturing ni retired US boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. na si Senator Manny Pacquiao ang pinaka-best fighter na kanyang nakalaban sa loob ng 21 taon niyang career.     Kung maalala kabilang sa mga boxing legend na nakaharap na ni Mayweather ay sina De La Hoya, Canelo Alvarez, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, […]

  • Malakanyang pinangalanan ang bagong PCO, DICT, AFP

    INANUNSYO ng Malakanyang ang bagong appointments sa Presidential Communications Office,  Department of Information and Communications Technology at Armed Forces of the Philippines (AFP).     Ang mga sumusunod na itinalaga sa Presidential Communications Office: ay sina: Katrina Grace Ongoco – Assistant Secretary Nelson De Guzman – Director II Robertzon Ramirez – Director I Habang ang […]

  • Maraming natutunan at nami-miss na ang pamilya: JOAO, ‘di napigilang umiyak nang mapag-usapan ang ‘Father’s Day’

    HINDI napigilang umiyak ni Joao Constancia nang matanong ang cast ng “Padyak Princess” tungkol sa mga life lessons na natutunan sa kanilang tatay, dahil sa selebrasyon ng Father’s Day sa June 16.       Naging emosyonal nga si Joao na isa sa leading man ni Miles Ocampo sa morning series ng TV5 at APT […]