PRINCE HARRY, dadalo sa ‘royal ceremonial funeral’ ng kanyang lolo na si PRINCE PHILIP; MEGHAN, pinagbawalang bumiyahe
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
DADALO sa funeral ng kanyang lolong si Prince Philip ang Duke of Sussex na si Prince Harry, pero hindi makakasama ang misis na si Meghan Markle dahil sa buntis ito ngayon.
Inabisuhan si Meghan ng doktor na hindi ito puwedeng bumiyahe.
Sa April 17 nakatakda ang “royal ceremonial funeral” at Windsor Castle. The service will be historically scaled down in light of the COVID-19 pandemic, and will be “entirely closed to the public.”
“The funeral was planned, in part, by Philip himself, who died Friday at 99, just weeks after emerging from a month-long hospital stay that had included minor surgery,” ayon sa Buckingham Palace.
“Although the ceremonial arrangements are reduced, the occasion will still celebrate and recognize the Duke’s life and his more than 70 years of service to the Queen, the U.K., and the Commonwealth.”
Kasalukuyang nasa eight-day mourning cycle si Queen Elizabeth II.
Nag-fire naman ng 41-gun salute in honor of the late Duke of Edinburgh ang capital cities of the United Kingdom na London, England; Belfast, Ireland; Edinburgh, Scotland; and Cardiff, Wales.
***
NAGING simple lang ang pag-celebrate ni Sofia Pablo ng kanyang 15th birthday last April 10.
Plano raw sana ng Kapuso teen star na magpa-dinner kasama ang pamilya at mga kaibigan. Pero dahil may ECQ noong birthday niya, sa bahay na lang siya nag-celebrate at via Zoom na lang daw nya nakasama ang mga kaibigan at kamag-anak.
Nagkaroon din ng retro photoshoot si Sofia na ang theme ay looks mula sa favorite show niya na Riverdale.
Dumating naman ang maraming birthday cakes sa condo building kunsaan nakatira si Sofia. Dahil sobra-sobra, binigay niya ang ibang cakes sa staff ng condo building nila sabay pasalamat dahil mine-maintain nila na malinis at disinfected ang buong condo building.
Wish ni Sofia na makabalik na siya sa trabaho lalo na’t inaabangan na ng marami ang book 2 ng Prima Donnas.
***
HINDI raw muna tatanggap ng sunud-sunod na work si Juancho Trivino dahil gusto niyang mabantayan ang ang pagbubuntis ng misis niyang si Joyce Pring.
Nag-enroll nga raw sila sa isang birthing class ag gusto ni Juancho ay lago siyang present.
“Marami kami inaatupag ngayon. Like informing ourselves sa mga protocols lalo na pag lumapit na ‘yung due date ni Joyce. Masaya, very ovewhelming process din,” sey ni Juancho.
Ayaw raw kasing mag-worry ni Juancho sa kalagayan ni Joyce kaya pass daw muna siya sa ngayon sa mga isang buwang lock-in taping. Okay daw sa kanya yung mga guestings lang na one or two days ang taping. (RUEL J. MENDOZA)
-
200 PWUD NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM
NASA 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod Navotas kung saan 13 ang children in conflict with the law (CICL). Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council […]
-
Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, […]
-
CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM
NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund. Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]