Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.
Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”
Sa “Open 24/7” Vic is Boss EZ who’s in charge of a convenience store at lahat ng cast ay mga crazy Gen-Z crew ng store.
Maja Salvador is a funny and “kikay” girl, Jose Manalo is Spark, Boss EZ’s brother; Sparkle Sweethearts Sofia Pablo and Allen Ansay as Kitty and Al, Sparkle artists Riel Lomadilla as Bekbek, Anjay Anson as Andoy, Kimson Tan as Kokoy, Abed Green as Fred and Bruce Roeland as Doe.
During the mediacon, parang hindi pa rin makapaniwala ang mga Sparkle stars na they will be working with Vic Sotto.
Iisa raw ang tanong nila, “kung totoong makakatrabaho po namin si Bossing Vic Sotto, at si Sir Jose Manalo?”
Since magsisimula na silang mag-taping, sigurado raw ang saya-saya nila sa set.
Si JR Reyes ang magdidirek ng “Open 24/7” at magsisimula na silang mapanood simula sa Saturday, May 27, after “Magpakailanman” sa GMA-7.
Isang member of the press ang nag-try magtanong kay Vic tungkol sa issue sa “Eat Bulaga,” at medyo nahirapan din si Vic na hindi mag-comment sa tanong kung totoong nabayaran na ng TAPE, Inc. ang ilang milyong utang sa kanyang talent fee, joke ba iyong sagot niyang ‘bayad’ na siya?
“It’s not a joke, secret!”
“Hindi naman pera ang usapan dito, kundi prinsipyo. Sanay na kami, ang TVJ, simula pa lamang na halos hindi kami kumikita.
“Hindi ako ganoon, kung mababayaran ako, eh di well and good. Kung hindi naman, eh di ayos lang.”
(NORA V. CALDERON)
-
P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI
SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon. Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa […]
-
HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan
AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na […]
-
Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela
Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities. Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro […]