• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRIVATE, PUBLIC CEMETERY AT KOLUMBARYO, SARADO SA OCT 29-NOV 3

UPANG maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw, isasara ang mga  pribado at pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Maynila simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

 

 

Sa nilagdaang Executive Order No. 33 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nakasaad na kabilang sa mga isasarang sementeryo ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery.

 

 

Pansamantala rin isasara sa publiko ang mga kolumbaryo ngayong darating na panahon ng Undas.

 

 

Layon ng nasabing kautusan na maiwasan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo sa kani-kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

 

 

Sa nasabing kautosan , ang libing at cremation ay papayagan naman sa nasabing mga petsa ngunit kailangan ay walang kaugnayan sa Covid-19.

 

 

Kailangan ding tumalima sa umiiral na minimum health protocols partikular na ang social distancing.

 

 

“The Directors of the Manila Cemeteries, with the assistance of the Manila Police District, the Manila Health Department, the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, and the Department of Public Services are directed to ensure compliance and implementation of this Order,” saad sa nasabing kautusan.

 

 

Babala naman ng alkalde na maaring matanggalan ng mayor at bussiness permit ang hindi makasusunod sa nasabing EO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension

    PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension.     Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para […]

  • Presyo ng kandila at bulaklak, mataas na

    RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak , ilang araw bago ang paggunita ng Undas.   Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 .   Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large […]

  • Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

    Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa […]