• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRIVATE SCHOOLS MAGSASARA SA TOTAL BAN NA “NO PERMIT, NO EXAM” POLICY

NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA na maraming pribadong paaralan ang magsasara sa panukalang total ban sa “No permit, no exam policy.

 

 

Ayon kay COCOPEA spokesperson Atty. Kristine Carmina Manaog na maraming pribadong paaralan ang magsasara ng operasyon kapag naisabatas ang House Bill No.7584 at Senate Bill No.1359 o total ban ng ‘No Permit, No Exam Policy kaya ‘ isaalang-alang ng mga mambabatas ang  kapakanan ng mga private school at estudyante upang makamit ang dekalidad na edukasyon.

 

 

Tinukoy ni Manaog ang pinakabagong pag-aaral ng COCOPEA sa 27-pribadong paaralan na aabot  lamang sa hanggang pitong buwan ang pondo ng private school administrators upang mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

 

 

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng COCOPEA na kapag naipatupad ito ay aabot na lamang ng 2-buwan ang pondo ng private schools upang maayos na mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

 

 

“Sa long term nakakaapekto dahil hindi kaya, if walang regular na pumapasok na pera or funds sa private schools maapektuhan ang quality nito and eventually baka talagang magsara,”paglilinaw ni  Manaog sa Radio Veritas.

 

 

Tiniyak ni Manaog na kahit umiiral ang “No Permit, No Exam policy” ay nagbibigay pa rin ang mga private school ng pagkakataon sa mga estudyante na magbigay ng ‘promissory note’ upang pahintulutang makapagsulit.

 

 

“Yung talagang hindi pinapayagang hindi mag-exam na students is very rare and last resort nalang kung talagang very delinquent yung student or parents, but ‘yung kadalasang practice naman talaga is pinapag-exam or pinapayagang mag-exam basta may promissory note,” bahagi pa ng panayam kay Manaog. GENE ADSUARA

Other News
  • Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

    Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.       Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.     […]

  • Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang

    INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.   Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.   Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong […]

  • Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo […]