• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Probe vs ‘cocaine user’ tuloy – PNP

Tuloy ang imbestigasyon sa isyu ng ‘cocaine user’ bagama’t nagboboluntaryo sa drug test ang mga presidential aspirants.

 

 

Ayon kay PNP chief, Gen Dionardo Carlos, idodokumento lamang nila ang  resulta ng  drug test  na magsisilbing ehemplo sa publiko.

 

 

Aniya, kailangan nilang  imbestigahan  ang alegasyon na nag-uugnay sa isang kandidato sa iligal na droga.

 

 

Dagdag pa ni Carlos,  suportado naman nila ang drug test kahit na hindi ito mandatory sa mga kumakandidato. Nakahanda aniya  ang  Forensic Group sa mga nagnanais na sumailalim sa drug test.

 

 

Matatandaang  ­ibinunyag ni Pangulong Duterte na may presidential aspirant na gumagamit ng  ‘cocaine’. Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang presidentiable.

 

 

Una nang  sumailalim sa drug test ang tandem nina Senator Ping Lacson at Tito Sotto na nagnegatibo.

 

 

Kahapon ay sumulat din sa Philippine Drug Enforcement Agency si Manila Mayor Isko Moreno  kaugnay ng kahandaan nito na sumailalim sa drug test. Sa kanyang liham sa PDEA sinabi ni Moreno na kailanman ay hindi siya tumikim ng cocaine, shabu  at ecstasy.

 

 

Lunes naman nang ihayag ni dating Senator  Bongbong  Marcos na sumailalim siya sa drug testing sa isang private hospital at negatibo ang resulta. (Daris Jose)

Other News
  • May concert series at musical play kasama si Regine: OGIE, todo ang suporta sa pagbabalik-Big Dome ni MARTIN

    NAGING matagumpay ang ginanap na trade launch noong Huwebes (May 23) ng ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management Inc.) ang company na pinamumunuan ng OPM Icon na si Ogie Alcasid. Kasama sa naturang big event sina Martin Nievera, Vhong Navarro and Jhong Hilario with the Streetboys, Lara Maigue, Gian Magdangal, Amy Perez, Randy Santiago, […]

  • DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

    Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.       “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]

  • Posible kayang gawin niya ang movie version?: VILMA, sobrang nagandahan sa stage play na ‘Grace’

    BIGLAAN kaming isinama ng kaibigan at kapwa-Vilmanian na si Jojo Lim para manood ng stage play na “Grace” na ginanap sa Power Mac Spotlight Theatre sa Ayala Malls Makati Circuit.   In fairness, super ganda ang dula, hindi nakaka-antok at walang itulak-kabigin sa mga nagsipagganap tulad nina Shamaine Buencamino, Stela Cañete at marami pang iba […]