“Project alis lungkot” inilunsad sa OSSAM
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD kahapon sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente na nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani- kanilang mga pamilya habang nasa ospital.
Sinabi ni Manila Mator Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,umaasa siya na makakabawas ito sa stress na nararanasan ng ating mga pasyente habang sila ay tuluyang nagpapagaling sa sakit na COVID-19 o sa iba pang mga karamdaman.
Nabatid na ang maayos na internet access ay makatutulong din sa mga OSSAM hospital workers na mas episyenteng makapag hatid ng serbisyo.
Pinuti ni Moreno si OSSAM Hospital Director Aileen Lacsamana, ang OSSAM Pub- lic Information Office at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) division dahil sa nabanggit na inisyatiba.
Kumpiyansa ang mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makukuha nila ang mayorya ng boto para mailuklok itong Speaker of the House pagsapit ng October 14.
Ayon kay AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, may mga paguusap na para sa pagpapatawag ng sesyon sa October 14 kahit pa sinuspindi na ang sesyon ng Kamara hanggang sa November 16.
Naniniwala din si Garin na mas nakabuti ang nangyari nitong Martes kung saan lahat ay nabigla sa pagmosyon ni Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill.
Aniya, nakakatanggap sila ngayon ng maraming tawag mula sa mga kasamahang kongresista na nagpapahayag ng pagsuporta sa term-sharing agreement.
Sinabi naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na posible pa ring magkaroon ng botohan sa October 14 dahil maaari namang magpatawag ng sesyon ang mayorya.
Dagdag pa ni Atienza, alam na alam na ni Cayetano na maraming mga kongresista na ang sumusuporta sa term-sharing agreement at nahihiya matapos ang naganap kahapon sa sesyon ng Kamara.
Sinabi naman ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na abangan na lamang sa October 14 at maipapakita nila ang suporta ng mayorya kay Velasco.
Matatandaang tinanggal sina Garin at Martinez sa kanilang Committee Chairmanships habang si Atienza ay umaalma naman dahil naka-mute nanaman silang mga kongresista na nasa zoom conference habang isinasagawa ni Cayetano ang kanyang speech at mosyon. (Gene Adsuara)
-
Internet service sa bansa, malayo pa sa pagiging world class
MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telcos para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang naging improvement ng mga higanteng kumpanya […]
-
TEAM LEBRON, BINIGO ANG TEAM GIANNIS
EMOSYUNAL ang kapaligiran bilang paggunita sa namayapang si Kobe Bryant, ngunit nang magsimula ang aksiyon, punong-puno ng tikas ang bawat galaw at bawat isa ang may matinding paghahangad na magtagumpay sa ginanap na makapigil-hiningang 69th NBA All-Star Game nitong Linggo (Lunes, Manila time). Dati ay malamya ang depensa sa mga All-Star game at tila […]
-
FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT
NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao. Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang. Base […]