• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec

POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China ay puwede na silang magproklama.

 

 

Aniya, kapag walang magiging aberya sa special elections ay puwede nang iproklama ag mga nanalong partly-list sa Mayo 25.

 

 

Muling ipinaliwanag ni Laudianco na ang nasa 685,643 na boto sa Lanao del Sur at ang 1,991 votes naman sa Shanghai ay malaki pa rin ang epekto ranking o pagkakasunod-sunod ng mga party-list groups.

 

 

Samantala, dahil hanggang sa susunod na linggo na lamang ang kontrata ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa Forum Tent sa Philippine International Convention Center (PICC) ay pinag-uusapan na raw nila kung lilipat ang mga ito ng venue para sa proklamasyon.

 

 

Aniya kailangan daw kasi ang maluwag pa rin na espasyo sa proklamasyon dahil kailangan pa ring sundin ang minimum health standards.

 

 

Malabo raw itong isagawa sa Palacio del Gobernador na min office ng komisyon dahil masikip ang doon at ikinokonsidera rin nila ang isyu sa seguridad.

 

 

Kung maalaala, Huwebes sana ipoproklama ng Comelec ang mga nanalong party-list kasunod ng pag-proklama na sa 12 nanalong senador kahapon. (Daris Jose)

Other News
  • MANILA LGU, HANDA NANG BAKUNAHAN ANG MGA BATANG 5 – 11 ANYOS KONTRA COVID-19

    HANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mamahagi ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga menor de edad mula 5 hanggang 11 taong gulang sakaling maglabas na ng “go signal” ang Department of Health at ang National Task Force Against Covid-19 na inaasahang ipatupad sa susunod na linggo.     “Nakahanda na […]

  • Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

    Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.     Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.     Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.     Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]

  • 17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT

    PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe.       Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula […]