• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Prolonged’ COVID-19 wave sa PH, posibleng magtagal pa hanggang ‘ber’ months – OCTA

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang kasalukuyang wave ay mas matagal kesa sa inaasahan kung ihahalintulad sa tumamang Omicron BA.4 sa South Africa na nagtagal lamang ng dalawang buwan.

 

 

Paliwanag ni Dr. David, nagsimula na umanong maranasan ang COVID-19 wave noong Hunyo kung kaya’t inaasahan na huhupa na ito ngayong buwan dahil nasa ikalawang buwan na.

 

 

Subalit hindi pa niya nag-peak ang COVID-19 cases kung kaya’t nakikitaan na magtatagal pa ito ng apat hanggang sa limang buwan o hanggang sa ber months.

 

 

Paliwanag ni Dr David, ang prolonged COVID-19 wave sa bansa ay marahil dahil sa ibang variants na nagdudulot ng karagdagang infections.

 

 

Isa pa sa dahilan ay ang paghina ng immunity mula sa bakuna dahil sa mababang bilang ng mga indibidwal na nagpapaturok ng COVID-19 booster dose kung kaya’t bumababa ang antibody levels.

 

 

Paalala naman ni Dr. David na mahalaga pa rin na ipagpatuloy ang pagsunod sa public health standards. (Daris Jose)

Other News
  • Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

    Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.     Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.     Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]

  • Pinamana na sa kanila ang ‘Wow Mali: JOSE at WALLY, wish na ma-prank si JOEY kahit malaki itong challenge

    ASAHAN na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15PM sa TV5 at 7:00PM sa BuKo Channel.       Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang […]

  • Pamilya ni ANNE, enjoy kahit sobrang lamig sa Finland at tila wala pang balak na bumalik

    TILA wala pang balak na bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Anne Curtis dahil mula sa France ay nasa Finland na sila ngayon.   At parang hindi apektado si Anne, ang mister niyang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia sa freezing temperature sa Lappi, Finland dahil feeling Christmas vacation pa rin sila.   […]