• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Promodiser, 1 pa laglag sa Caloocan drug bust, P2.5M shabu nasamsam

UMABOT sa mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng malaking supermarket at residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42. ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation kontra sa dalawa matapos magpositibo sa isinagawa nilang validation ang impormasyong ibinulgar sa kanila ng isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Dakong alas-12:44 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ang dalawa matapos tanggapin ang P29,000.00 boodle money na may kasamang isang tunay na P1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Robes 1, Brgy., 175 Camarin.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,554,080.00, buy bust money at isang paper bag.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tuguisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165  o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads January 6, 2024

  • Kakulangan sa konsulta program providers, tugunan

    UMAPELA  si AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palakasin pa ang pagsusumikap nito na magdagdag ng accredited service providers para sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package na magbibigay ng access saprimary health care services sa mga miyembro ng PhilHealth.     Nangangamba ang mambabatas sa mababang bilang ng […]

  • NBA, kinansela ang laban ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa Hurricane Milton

    KINANSELA ng National Basketball Association ang nakatakdang laban sa pagitan ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa banta ng Hurricane Milton.     Ang naturang laban ay nakatakda sana sa araw ng Biyernes, Oct. 11 sa Kaseya Center, ngunit dahil sa banta ng naturang bagyo ay kinailangan itong pansamantalang kanselahin.     Ayon sa […]