• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY

PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila

 

Kinilala ang biktima na si  Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.

 

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong alas-12:00 ng tanghali nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa naganap na pamamaril sa Baseco  Compound ,Port Area, Maynila.

 

Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis at inabutan ang biktima na may tama ng bala sa ulo at wala nang buhay.

 

Wala naman nakuhang anumang impormasyon ang pulisya sa pagpatay sa biktima.

 

Inaalam din kung ano ang motibo sa pagpatay. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Kasama sa OST ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: “Sasabihin Ko Na” ni WILBERT, siya rin pala ang nagsulat

    ANG newest digital series ng Puregold Channel, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ay patuloy na humahatak sa mga manonood na may hindi maikakailang chemistry sa pagitan ng mga bida na sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), ang retailtainment pioneer ay nagpapalakas ng kilig sa karanasan sa serye.     Iniimbitahan na ngayon ng […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]

  • Ads August 5, 2023