Proseso sa pagdi- distribute ng bakuna laban sa COVID, kasado na – Sec. Roque
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
INILATAG na ng gobyerno ang sistema na ipatutupad na may kinalaman sa pagdating sa bansa ng COVID 19 vaccine hanggang sa ito ay maibigay na sa mga recipient.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa paliparan ay kukunin ang mga paparating na bakuna ng mga refrigerated trucks.
At mula sa airport ay dadalhin naman ito sa DOH rented private warehouse o sa RITM at mula dito ay dadalhin naman ang mga ito sa regional warehouse at hub.
Habang ang susunod ng destinasyon ng mga bakuna ay sa rural health units na at sa mga city health offices hanggang sa maibigay na ang vaccine sa ating mga kababayan.
“Ganito po ang proseso ng vaccine distribution ha – mula cold-storage facility hanggang sa recipient. Pagdating po sa Pilipinas, siyempre po naka-refrigerate iyan sa eroplano, susunduin po iyan ng refrigerated ng mga trucks din. Dadalhin po muna iyan sa DOH rented private warehouse or sa RITM,” ayon kay Sec. Roque.
“Ito po muna ha, unahin muna natin iyong sa cold-storage facility na nangangailangan po ng -2 to -8 and -20 ‘no. Pagdating po ay dadalhin sa DOH rented private warehouse, pagkatapos po ay ipapadala through refrigerated vans din sa regional warehouse at hub. From the regional warehouse at hub po, dadalhin iyan sa mga city health offices at saka sa mga provincial health offices na mayroon din pong mga refrigerator. Tapos dadalhin na po natin iyan sa rural health units, sa mga city health offices na naka-refrigerator din hanggang ibigay po sa ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD
PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon. […]
-
P160K subsidy para sa modern jeepneys kinasa ng DOTr
Tinaasan ng Department of Transportation (DOTr) ang subsidy para sa modern jeepneys upang ma-engganyo ang mga drivers at operators na palitan ang kanilang mga lumang public utility jeepneys mula sa dating P80,000 na ngayon ay P160,000 na. Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang isang amendment ng provision ng Department Order No. 2018-16 na […]
-
PDU30 pinasasagot ang DOH sa P67 bilyong pandemic funds
Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na sagutin ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may “deficiencies” sa P67 bilyong pandemic funds na hindi umano nagamit ng maayos ng DOH. “Well, ang instruction po ng Presidente ay saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng […]