• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proteksiyon ng mga pasahero ngayong holiday rush isinulong

PINATITIYAK ni Senador Win Gatchalian na mabibigyan ng proteksiyon ang mga pasahero ng mga taxi at tourist car transport services lalo ngayong panahon ng holiday rush.

 

 

 

Ito ang layon ng Senate Bill 819 o An Act Establishing the Rights of Passengers of Taxis, Tourist Car Transit Services, and Other Similar Vehicles for Hire, na isinampa niya ngayong 19th Congress.

 

Ayon kay Gatchalian, ang mga pampublikong transportasyon ay karaniwang kapaki-pakinabang at in demand tuwing rush hour, panahon ng kapaskuhan, tag-ulan, at dis-oras ng gabi kung kailan problema ang kaligtasan ng mga pasahero at kakulangan ng ibang paraan ng transportasyon.

 

 

“Nakita natin ang hindi mabilang na mga video at narinig ang mga nakakagalit na kwento ng mga pasaherong naging biktima ng mga abusadong driver ng mga taxi at iba pang sasakyang paupahan,” dagdag pa niya.

 

Sinabi ng mambabatas na tumataas ang ganitong mga insidente tuwing holiday season dahil sa pagdami ng pasahero na gumagamit ng taxi at iba pang pampublikong transportasyon. Bunsod nito, nagiging mahirap para sa mga commuter ang makahanap ng masasakyan habang dumarami ang mga driver na naniningil ng labis na bayad.

 

 

Binigyang-diin ng senador na ang ganitong mga insidente ay madalas na pinapalampas o hindi naaaksyunan dahil sa kakulangan ng mga batas na pumoprotekta sa mga commuter.

Other News
  • Netizens, amazed na amazed dahil kopyang-kopya talaga: CATRIONA, personal na in-unveil ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore

    PERSONAL na in-unveil ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang first ever wax figure sa Madame Tussauds Singapore.     Ibinahagi nga ng Pinay beauty queen ang couple of photos with her wax figure, na kung saan makikitang suot ang kanyang signature Mayon Volcano-inspired gown at ang ‘Alab at Dangal’ ear cuff.     Caption niya sa IG post, “Who’s that girl.  “What a surreal moment to (FINALLY!) […]

  • Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN

    KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na nai–report sa isang major daily noong January 30.     Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa […]

  • Ads November 23, 2021