• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN

KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na naireport sa isang major daily noong January 30.

 

 

Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa data analytics firm WR na suportado nila ito, 11 per cent ang hindi pabor, at walong porsiyente ang hindi tiyak ang sagot.

 

 

Ayon sa report, nationwide ang survey na ginawa ng research film mula January 11 to 15 with 5,000 respondents via a quota sampling method based on geographic location,age, sex, and income.

 

 

Ang layunin ng survey ay para suriin ang level of support sa mga Pilipino sa pagbabalik ng ABS-CBN sa ere sa muling pag-ugong ng usapin sa franchise ng network matapos maghain ng bagong bill sina Senate President Vicente “Tito” Sotto sa Senado, at nina Rep. Vilma Santos-Recto at Rep. Edcel Lagman sa House of Representatives.

 

 

Noong May 2020, ang technology-driven polling and data analytics company ay nagsagawa rin ng survey kung 80% ng mga Pilipino ang nagsabi na dapat ipagpatuloy ng ABS-CBN ang kanilang pagsasahimpapawid.

 

 

Sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) noong July 2020 ay nagpakita na 75 percent ng mga Pilipino ay sumang-ayon na dapat bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN good for 25 years. Sa nasabing survey, may 1,555 respondents ang SWS from Luzon, Visayas, and Mindanao.

 

 

Pero kahit na walang prangkisa, patuloy ang ABS-CBN sa pagpo-produce ng bago at existing content na ipinalalabas nito sa sarili nitong cable channel at digital platforms, pato na rin sa ibang networks tulad ng A2Z channel at TV5.

 

 

Patuloy pa rin ang network sa pagtanggap ng mga parangal. Nitong January ay natanggap nito ang “Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisiyon,” ang highest honor para sa TV given mula sa  5th GEMS Awards at ang ikalimang sunod na Platinum Brand Award from the Reader’s Digest Trusted Brands.

 

 

Ang winners ng GEMS Awards ay pinipili ng mga kasapi ng Guild of Educators, Mentors, and Students, samantalang ang Reader’s Digest Trusted Brand Awards ay ibinoboto ng mga consumers through a survey na sinusukat ang trustworthiness, credibility, quality, value, understanding of consumer needs, innovation, and social responsibility of brands.

 

 

Siyempre marami pa rin supporters ng Kapamilya Network ang umaasa na mabibigyan ng franchise ang channel in the future.

 

 

***

 

 

MATAPOS magtamo ng11 nominasyo at 2 awards (3rd best picture and best supporting actress for Shaina Magdayao) sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre, wagi muli ang Tagpuan matapos itongg ideklarang Best Feature Film sa 6th Chauri Chaura International Film Festival in India.

 

 

Tuwang-tuwa si Alfred Vargas, ang lead actor and producer ng Tagpuan, sa international recognition na natanggap ng pelikula.

 

 

“Thank you, Lord! Hanggang tenga ang aking ngiti. Such good news! This is once again a testament to the Filipino talent and creativity. Congrats to Direk Mac who did a brilliant job in intertwining the medium’s space and time with its emotions, places, and characters to effectively narrate Ricky Lee’s wonderfully captivating screenplay. Congratulations also to my co actors, Iza Calzado and Shaina Magdayao and everybody who worked on our film,” pahayag ng actor-producer.

 

 

McArthur Alejandre, the film’s director says Tagpuan is his “ode to brokenness and love that cannot be.” He says the film “is about finding one’s roots and home in places one can never call their own.”

 

 

Dahil sa tagumpay ng Tagpuan sa India ay winika ni Alfred na mas lalo pa siyang naging inspired na mag-produce ng mga de-kalidad na pelikula na magpapakita nang kahusayan nating mga Pilipino. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Drug pusher nalambat sa Caloocan buy bust, P340K shabu, nasamsam

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Caloocan City Police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) at pagkakakumpiska sa higit P.3 milyon halaga ng shabu.         Kinilala […]

  • DepEd: Mga paaralan, last option sa vaccination sites

    Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay dapat na gamitin lamang bilang last resort o huling opsiyon bilang vaccination sites, ngayong nagpapatuloy na ang inoculation rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19.     Binigyang diin ni DepEd Sec. Leonor Briones ang panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Department of […]

  • Ads October 6, 2021