De Los Santos sumungkit ng ika-3 medalyang ginto
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAPSAKAMAY ni Orencio James Virgil De Los Santos ang pangatlong gold medal sa 2021 E-Karate World Series #1, Male Shotokan Division nitong linggo.
Dinomina ng Pinoy karatekang world No. 1 e-kata player si world No. 2 Matias Moreno Domont ng Switzerland sa finals, 25.6-24.4 para sa panlimang gold sa nabanggit na torneo matapos makaapat sa nagdaang taon.
Sa pangkalahatan sapul nang ma-COVID-19 noong Marso 2020, ito ang 39th gold ni De Los Santos makalipas makalikom ng rekord na 36 na ginto nitong isang taon patungo sa pag-angkin noong Oktubre ng top spot world ranking. (REC)
-
16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo
May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna. Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]
-
Palasyo nagalak: Satisfaction rating ng Duterte admin, ‘excellent’ – SWS
UMAKYAT sa +73 o “excellent” ang satisfaction rating administrasyong Duterte sa ika-apat na quarter ng 2019 survey ng Social Weather Stations. Sa naturang survey na isinagawa mula Disyembre 13 hanggang 16 noong 2019, 81 na porsyento ng mga respondents ang nagpahayag ng kanilang “satisfaction” sa general performance ng administrasyon, 12 na porsyento naman ang […]
-
IVERMACTIN, INAPRUBAHAN NA NG FDA
INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao. Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19. […]