• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Provincial buses pinayagan sa EDSA dumaan pansamantala

SINIMULAN noong April 3 hanggang April 10 na ang mga provincial buses ay pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dumaan sa EDSA dahil sa pagdagsa ng mga motorista at pasahero sa pag-alala sa Semana Santa.

 

Ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa EDSA mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga na nagsimula noong April 3 hanggang April 10. Pinayagan silang magkaron ng “round-the-clock” na operasyon.

 

Subalit ang mga provincial buses na magmumula sa North Luzon ay kinakailangan na magtapos ang paglalakbay sa bus terminal sa Cubao, Quezon City. Habang ang manggagaling mula sa South Luzon ay dapat matatapos sa Pasay City.

 

Pinatupad na dati pa ang ganitong polisia ng MMDA noong nakaraang Christmas season noong nakaraang taon.

 

“The partial easing of the ban on provincial buses along EDSA was made to allow the provincial buses to accommodate the expected high number of passengers going to the provinces for the Lenten season and ensure the convenience and comfort of commuters,” wika ng MMDA.

 

Taong 2019 pa pinagbawalan ng MMDA ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA kung saan ang mga operators at drivers ay pinapayagan lamang na mag pick-up at drop-off ng mga pasehero sa estasyon na nasa lungsod ng Valenzuela sa Bulacan at Sta. Rosa, Laguna.

 

Noong nakaraang taon naman ay sinubukan ng MMDA na magkaron ng window hour ang mga provincial buses.

 

Inihayag din ng MMDA na ang ibang estasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay mananatiling bukas para sa mga pasahero na sasakay sa EDSA Bus Carousel kahit na walang operasyon ito. Walang operasyon ang MRT 3 dahil sasailalim ang mga couches nito sa maintenance works.

 

Ang mga sumusunod na estasyon ay bukas para sa EDSA Bus Carousel tulad ng North Avenue, Quezon Avenue, Santolan, Ortigas, Guadalupe at Buendia.

 

Samantala, sinabi naman ng MMDA na papalawigin nila ang suspensyon ng number coding scheme ngayon Semana Santa. Sa isang advisory ng MMDA, ang suspensyon ay magsisimula ngayon Wednesday hanggang April 10. Dapat sana ay bukas pa ang simula ng suspensyon habang ang April 10 ay dineklarang non-working holiday kapalit ng pagdiriwang ng Day of Valor na tumama sa Easter Sunday.

 

“This is to give motorists and commuters more time to travel to the provinces for the Holy Week,” dagdag ng MMDA.

 

Ideneklara ng Malacanang na hanggang 12:00 noon lang trabaho sa lahat ng sangay ng pamahalaan ngayong Wednesday.

 

Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River ferry service simula ngayon araw na ito at magpapatuloy sa darating na April 11.  LASACMAR

Other News
  • Pacquiao, liyamado sa mga sugarol sa pustahan sa Las Vegas

    Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao.     Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito.     Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala.     […]

  • 5 arestado sa buy bust sa Valenzuela

    Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City.     Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • Ads June 1, 2023