• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROYEKTONG MAS MAGPAPAANGAT SA BUHAY NG NAVOTEÑOS, SISIMULAN

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sinimulan ng tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza na may kabuuang 343 hectares airport support services.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño dahil dito itatayo ang iba’t ibang airport support industries para sa New Manila International Airport tulad ng aviation maintenance, airpot catering, fast cycle logistics, tourism at iba pa.

 

 

Magmula Tanza, ang integrated tool expressway ay didiretso sa New Manila International Airport sa Bulacan, Bulacan kung saan ang Navotas ay mapupunta sa pagitan New Manila International Airport at ng ibang mga lugar sa Metro Manila.

 

 

Maghahatid aniya ang proyektong ito ng mas marami pang oportunidad ng hanapbuhay at trabaho para sa mga Navoteño.

 

 

Sa bisa ng ordinance No. 2021-40 na inaprubahan ni Mayor Tiangco noong July 21, 2021, 70% ng mga empleyado ay dapat mga Navoteño.

 

 

“Ang Navotas institute ay magbubukas ng mga kursong kinakailangan upang maihanda ang ating mga kababayan para sa mga skills na kinakailangan. Makakaasa po kayo na hindi tayo hihinto sa pagsusumikap na ipagpatuloy ang pag-unlad ng Navotas at pag-angat ng buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Toby.

 

 

“Ang plano ng Manila International Airport ay mula sa world renowned urban planner Arch. Jun Palafox na isa sa nagdevelop ng napaka-progresibong siyudad na Dubai at nag likha ng libu-libong mga trabaho sa higit na apat-napung bansa”, pahayag naman ni Cong. John Rey Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • South Koreans na bibisita sa Pinas, lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon

    BILANG ng turistang South Koreans na bibisita sa Pilipinas sa susunod na taon, inaasahang lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon.     Naniniwala si Quezon City Rep. Marvin Rillo na maaapektuhan ang maiksing panahon ng pagkakadeklara ng martial law sa South Korea sa pagnanais milang bumisita sa Pilipinas sa […]

  • Sa pelikulang gagawin na ‘Maid in Malacanang’… RUFFA, napipisil ni Direk DARRYL na gumanap na IMELDA MARCOS

    HAPPY na ang mga fans ng love team on and off camera na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na mapapanood na rin ngayong gabi ang kanilang first primetime TV series, ang mystery-romance mini-series na Love You Stranger mula sa GMA Public Affairs.     Matatandaan na dapat ay noon pa nila nagawa ang project […]

  • VALENZUELA LGU NAGBIGAY NG MGA BAGONG DUMP TRUCK SA WMD

    PARA sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan, nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga bagong 38 dump truck at tatlong heavy equipment na sasakyan sa Waste Management Division (WMD) at Public Order at Safety Office (POSO).     Ang bawat unit ng dump truck ay nagkakahalaga ng PhP 1,973,684.21, habang ang excavator ay nagkakahalaga […]