• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PS-DBM pinabubuwag sa Senado

PABOR si Senate Mino­rity Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa pagbili ng P2.4 bilyon na umano’y maanomalyang laptops noong 20221.

 

 

Sinabi ni Pimentel, na ang PS-DBM ay tagong departamento ng DBM at ang kanilang pinuno ay hindi dumaraan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).

 

 

Kaya dapat umanong ikonsidera ng mga mambabatas na buwagin ito lalo pa at ang pondong ginagamit sa procurement dito ay mas malaki pa ang budget sa ibang departamento ng gobyerno.

 

 

Maliban pa sa nakatago ay nakahugas kamay din umano ang kalihim nito at ikinakaila ang tao niya na may kasalanan kahit nasa departamento niya ito.

 

 

Idinagdag pa ni Pimentel na dapat ay mayroong ahensiya ng gobyerno ang magpa-publish ng researched prices ng materials online para sa benepisyo ng lahat ng ahensiya na gustong bumili sa pamamagitan ng bidding process o iba pang uri ng procurement.

 

 

Nauna nang naghain ng resolusyon ang Senador para imbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang pagbili ng Department of Educations (DepEd)  ng laptop na gagamitin ng mga guro sa implementasyon ng distance learning sa pamamagitan ng PS-DBM.

 

 

Ang PS-DBM ay sangkot din sa P8.6 bilyon pagbili ng overpriced face masks, face shields at PPEs mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. (Daris Jose)

Other News
  • Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck

    NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente […]

  • Mga hotels sa bansa balik sigla na

    BUMALIK  na ang sigla ng mga hotels sa bansa sa unang buwan ng Enero.     Ayon kay Hotel Sales and Marketing Association president Loleth So na nahigitan ng 153-member hotels nila ang pre-COVID-19 pandemic na umabot sa 80% ang occupancy.     Kumpara noong bago ang COVID-19 pandemic na mayroon lamang 60-70 percent ang […]

  • Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles tinanggap na ang alok ni Marcos na maging press secretary

    NAPILI para susunod na pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) si radio commentator, lawyer at pro-Duterte blogger na si Atty. Rose Beatrix Cruz-Angeles (Trixie Cruz-Angeles).     Ito ang kinumpirma ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang pangunahing gawain ni Cruz-Angeles ay ang pangasiwaan ang mga operasyon ng PCOO […]