• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census

NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’
Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang census update sa listahan ng mga beneficiary ng social protection programs ng gobyerno.
Ang inisyatiba ay gagawin sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS) ng PSA, na isasama sa Census of Population (POPCEN) bago pa ang original na iskedyul sa 2025.
“Data derived from this activity will serve as our nation’s driving force, fueling the government’s social and economic development plans, policies, and programs that would benefit every Filipino,” ayon kay national statistician Claire Dennis Mapa.
“It’s a cost-efficient strategy, and we, at the PSA, remain committed to our mission to deliver relevant and reliable statistics to stakeholders,” aniya pa rin.
Ayon sa PSA, ang data mula sa POPCEN-CBMS ay magsisilbi bilang basehan para sa target na buong pamilya sa pagpaplano, pagbalangkas at implementasyon ng mga programa at proyekto na naglalayong bawasan ang kahirapan sa bansa.
Noong nakaraang Nobyembre, si Pangulong Marcos, sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nagpalabas ng Memorandum Circular 40 kung saan inaprubahan ang Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) para sa 2023 hanggang 2028.
Nakasaad sa circular na ang PPD-POA ay magsisilbi bilang ‘overall blueprint’ para sa inter-agency collaboration sa pagsisikap na “to optimize demographic opportunities” at tugunan ang nananatiling mga hamon sa populasyon. (Daris Jose)
Other News
  • KRIS, itinanggi na nakipagbalikan kay MEL dahil tapos at naka-move na; mga dahilan isa-isang isinambulat

    SINAGOT ni Kris Aquino ang IG post ni Manay Lolit Solis tungkol sa balitang baka magkabalikan sila ni Mel Sarmiento.     Say ni Manay Lolit, “May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang […]

  • P843.9 bilyon lugi ng SSS, pinaiimbestigahan

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS).       Sa inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 unaudited financial statement ng SSS kung saan nakasaad na nalugi sila noong 2021 ng P843.9 bilyon.       Nakasaad naman sa resolusyon ang mga legal […]

  • EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB

    MISTULANG inisnab ng mga aplikante  ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic. Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano  kinagat ito ng mga aplikante. “Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi […]