PSA target ang 5-M para sa national ID system
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.
Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng kawalan ng valid proof of identity as a Filipino.
Malaking tulong din ito para sa mga cash assistance program ng gobyerno.
Kapag mayroon na ring ID ang mga ito ay mapapadali na rin ang pagbukas ng mga ito ng kanilang mga bank account.
Nakikipag-ugnayan na rin sa Landbank of the Philippines para sa pagsisimula ng registration sa last quarter.
Posibleng magsagawa rin sila ng mobile registration sa mga barangay para mapabilis ang pagrehistro. (Daris Jose)
-
6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief
IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa. Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite. “Ang mga kawani ng Kagawaran […]
-
Chot dismayado sa pullout ng South Korea
DISMAYADO si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum. Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup. Kaya […]
-
Grateful sa ka-loveteam at sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, ‘di itinanggi na na-in love siya dati kay MAINE
SIGURADONG nagdiwang ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa sagot ni Asia’s Multimedia Star sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last October 9. Tinanong ni Boy Abunda si Alden kung na-in love ba siya kay Maine noong nabuo ang kanilang love team na “AlDub” sa “Eat Bulaga?” […]