PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.
Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish ng Team Philippines sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.
“We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” wika ng Senator.
Dumalo sa virtual hearing sina PSC Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy na naglatag ng breakdown ng proposal na aabot sa kabuuang P207 Million na una nang dumaan sa pag-aaral at aprubal ng Department of Budget Management.
Nagsagawa naman ng hiwalay na proposal ang PSC para sa gagastusin sa preparasyon at partisipasyon ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na aabot sa halagang P250 Million, maging ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Youth Games and the Asian Beach Games.
Nangako si Go na hahanap ito ng paraan para tulungan ang ahensiya sa kanilang trabaho para sa national team. Ikinatuwa rin nito ang developments kaugnay sa preparasyon ng PSC sa National Academy of Sports.
Sunod na daraan sa plenary deliberations ang budget pro- posal ng PSC, ayon sa ulat.
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]
-
P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog
MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, […]
-
Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios. Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling. Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17. Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]