• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC Badjao Children’s Games sa Tawi-Tawi

MAY pagkakataong matuto at magsaya sa iba’t ibang tradisyonal na sports ang mga kabataan na kabilang sa Indigenous People partikular ang mga Badjao sa pagsasagawa sa sandaling ang coronavirus disease 2019 ng Philippine Sports Commission (PSC) Children’s Games.

 

Nagpasalamat na kaagad ang mga pinuno sa Mindanao State University-Tawi-Tawi sa nakatakdang plano sa proyektong  kinilala ng UNICEF na modelong sportsfest para sa mga kabataan.

 

“Thank you for facilitating with PSC the request of MSU Tawi-Tawi for sports equipment and the staging of Badjao Children’s Games which will be held soon after the pandemic,”bulalas ni James Edward Lee ng MSU Tawi-Tawi kay dating PSC chief Aparicio Mequi na nagpaabot ng kahilingan sa Komisyon.

 

“Hope you and  Sir Butch (PSC Chairman William Ramirez) can visit us here in Tawi-Tawi to witness the event. God Bless you,” hirit pa ni Lee.

 

Natengga lang ang lahat ng aktibidad at proyekto ng ahensiya ng gobyerno sa sports sa bansa sanhi ng COVID-19 sa mundo. (REC)

Other News
  • China nag-OK sa emergency use ng Sinovac para sa mga edad 3-anyos hanggang 17-anyos

    Inaprubahan na ng China ang emergency use sa Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine para sa mga nag-edad 3-anyos hanggang 17-anyos.     As of June 3, nasa 723.5 million doses na ng vaccine ang naiturok sa mass vaccination drive sa China.     Nilinaw naman ni chairman Yin Weidong, na kapag ang bakunang Sinovac ay inaalok […]

  • DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras

    NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging pana­wagan ng mga  mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.     “Kinausap […]

  • Turismo palakasin para sa trabaho – Bong Go

    SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang badyet at mga programa ng Department of Tourism para sa susunod na taon dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng turismo sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.     Ayon kay Go, ang turismo ay isang pundasyon ng ekonomiya at kailangan aniyang maglaan ng sapat […]