• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC facilities bubuksan na sa mga national athletes

Simula sa Enero 10, 2022 ay muling makakapag-ensayo ang mga national athletes sa tatlong pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC).

 

 

Ito ay bilang preparas­yon ng mga national teams para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng susunod na taon.

 

 

Ngunit nilinaw ng PSC na ilang national teams lamang muna ang kanilang papayagang makabalik sa ensayo sa mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City, Philsports Complex sa Pasig City at Baguio Training Camp sa Baguio City.

 

 

“This resumption is dependent on provision of many considerations for safety before final implementation,” wika ng sports agency sa kanilang official statement kahapon. “The agency is now evaluating viable facilities which may be used in the said training.”

 

 

Kasaukuyan pang ginagamit ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang RMSC at Philsports bilang mga COVID-19 facilities.

 

 

Tiniyak ng PSC sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kanilang pag-obserba sa health and safety protocols kapag nagsimula na ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.

Other News
  • Ads April 27, 2021

  • Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD

    IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte.       Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na […]

  • DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

    DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.     Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o […]