• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC hahanap ng dagdag na pondo para sa paglahok ng Team Philippines sa Vietnam SEAG

MAGHAHANAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng karagdagang pondo para sa national delegation na isasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

 

 

Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Team Phi­lippines Chef De Mission Ramon Fernandez sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala na hihingi sila ng tulong kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

“We’ll see where we can source out the others (funds) with the help of Cong. Bambol,” ani Fernandez. “Maybe hopefully we can request for contingent or more funds from DBM (Department of Budget and Management) as we will be able to compute how much it will cost.”

 

 

Mula sa dating P200 milyon ay P71 milyon na lang ang natira sa pondo ng PSC para sa national delegation na ilalahok sa Hanoi SEA Games.

 

 

Nabigyan ang sports agency ng Kongreso ng dagdag na P50 milyon.

 

 

Dahil sa kakapusan ng pondo ay napilitan ang POC na bawasan sa 584 ang bilang ng mga national athletes na isasalang sa b­iennial event na nakatakda sa Mayo 12-25.

 

 

May 80 pang atletang hindi naisama sa 584 at posibleng gamitin ang ‘have money, will travel’ policy ng POC para makasali sa Hanoi SEA Games.

 

 

Idedepensa ng Team PHL ang overall cham­pionship na nakamit noong 2019 Manila SEAG.

Other News
  • Spa sa Makati, P3K ang ‘sex fee’

    NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, kamakalawa ng madaling araw.   Maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at […]

  • DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño

    PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.     “Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng […]

  • 48% ng Pinoy tiwalang ‘gaganda ekonomiya’ sa sunod na 12 buwan — SWS

    HALOS  kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang iigi ang ekonomiya sa susunod na taon, ito sa gitna ng lumolobong unemployment rate, record-high na utang at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.     Napag-alaman ‘yan ng Social Weather Stations sa isang survey na inilabas, Huwebes, pagdating sa mga inaasahang pagbabago […]