PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4.
Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo.
Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa na lalahok sa nasabing torneo.
Makakasama nito ang sina Chef de Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, COVID-19 liaison officer Nikki Cheng, athlete and administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach nito na si Will Gregorak.
Ito na ang pangalawang pagsabak ni Miller sa Winter Olympics dahil noong 2018 Games sa PyeongChang, South Korea ay sumali ito sa slalom event.
Labis ang pasalamat ni Tolentino sa mabilis na pagpapalabas ng PSC ng pondo.
Magtutungo si Floro sa Beijing sa Enero 27 habang inaasahan na susunod ang ilang deligasyon sa Enero 28.
-
PBA players OK sa pagsasagawa ng bubble games tulad sa NBA
Karamihan sa mga PBA players ay sang-ayon na maglaro sa bubble o semi-bubble para pagsisimula ng 2020 season ng liga. Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial, na walang magiging problema sa mga manlalaro kahit na limitado ang kanilang mga galaw. Gaya aniya na ipinatupad ng NBA ay susunduin sila ng shuttle mula sa venue at […]
-
Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa. Sa ulat, isinusulong […]
-
ALBANO, DY SABIT SA KATIWALIAN SA ISABELA PROVINCE
NAGSAMPA ng reklamo sa Senate Committee of Ethics si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel Noli Siquian Sr. laban sa tatlong senador kamakailan. Ito ay bunsod ng kawalan ng aksyon sa ipinarating na reklamo kaugnay ng nangyayaring talamak na katiwalian sa Isabela Province. Kabilang sa inirereklamo sina Senador Francis Tolentino na siyang […]