• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC P387-M ang utang sa SEAG

KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.

 

Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB).

 

Ipinahayag ni PSC Executive Director Guillermo Iroy, Jr., na nakakatanggap sila ng mga demand letter mula sa iba’t ibang mga supplier na sumisingil ng utang nila o ng pamahalaan sa nabanggit na halaga.

 

Pinakisuyo na na aniya ng PSC ang nasabing halaga sa Department of Budget and Management (DBM) upang mabayaran ang mga supplier sa lalong madaling panahon.

 

“In fact there are many too many demand letters we received. Some senators have also received letters from suppliers. We expect that this P387M will soon be released by the DBM,” bulalas ni Atty. Iroy.

 

Orasaniyang mai-release na ang nasabing pondo ng DBM, kaagad nilang ipapasa ang nhalaga sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na aayosng mga mga utang sa bawat supplier.

 

Nasa P6-B ang dapat na badyet ng ng gobyerno sa 11-nation, biennial sportsfest. Pero nasa P1.4B lang naipaluwal na ni PSC Chairman William (Butch) Ramirez kay PHISGOC President at Chief Operating Officer Ramon (Tats) Suzara.

 

Buhat ang P1B sa Office of the President o kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Mabayaran na sana ang mga supplier sa lalong madaling panahon dahil kawawa rin ang ilang mga kompanya sa panahon ng Covid-9 na may pitong buwan na sapul nang tumama sa bansa nitong Marso. (REC)

Other News
  • Duterte humalik sa lupa

    Hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lupa kung saan naganap ang pagsabog sa Jolo, Sulu.   Binisita ni Duterte ang lugar kung saan lumuhod siya at humalik sa lupa.   “That’s why      when I visited the blast — and thank you for sharing with me the gesture — lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least […]

  • Lookout bulletin order vs 7 OVP officials, hiling

    HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa imbestugasyon nito ukol sa alegasyon ng mismanagement ng government funds sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.   Ang kahilingan […]

  • Inter-regional routes ng mga provincial bus, pinayagan na muli ng LTFRB

    BUBUKSAN na muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng provincial bus para sa mga inter-regional na biyahe.     Nakasaad sa inilabas ng LTFRB na Memorandum Circular No. 2022-023, na lahat ng mga public utility bus operators na mayroong valid Certificate of Public Convenience (CPC), Provisional Authority (PA), at […]