• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE

BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.

 

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.

 

“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” aniya.

 

Nakasaad sa R.A. No. 8757 na kilala din bilang PSHOF Act, na tanging ang Screening Committee na binubuo ng PSC Chairman, Philippine Olympic Committee (POC) President, Games and Amusement Board (GAB) Chairman, at dalawang iyembro ng NSA na may pagkilala ng POC at dalawang miyembro buhat sa mga pribadong sektor ang tanging may karapatan na mamili ng mga pararangalan.

 

Samantala, nabuo naman ang review committee noong panahon pa ni dating PSC chairman Harry Angping taong 2010 kung saan pag-aaralan ng nasabing komite kung karapat dapat nga ba na mapabilang sa Hall of Fame ang nasabing atleta na mapipili.

 

Pitong miyembro ang bubuo sa naturang kumite na magmumula buhat sa iba’t ibang media outfit na nagkokober ng sports.

 

Gayunman, hindi pa pinapangalanan ang mga miyembro ng nasabing kumite gayung pinag-aaralan ng mga namumuno ang pagbuo dito.

 

Nakatakda naman simulan ang nominasyon para sa posibleng parangalan ngayong unang araw ng Marso.

Other News
  • DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’

    PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”     Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.     Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec […]

  • Pamilya Paalam, todo dasal sa pagsabak ni Carlo para sa gintong medalya sa Tokyo Olympics

    Naghahanda na ang pamilya ni Filipino boxer Carlo Paalam na pasok na finals matapos talunin ang kanyang kalaban na si Japanese Ryomie Tanaka sa Men’s Flyweight Division.     Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Pio Rio Paalam Sr. na nagdarasal ang kanilang buong pamilya sa laban ng anak na si […]

  • Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers

    BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi […]