PSC, POC magba-bubble sa Japan
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
MAGTATAYO ng training bubble ang Philippine Sports Commission o PSC at Philippine Olympic Committee o POC sa Japan para sa mga qualified at hahabol mga na atleta para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo.
“Kung open na ang travel, why not join other tournaments,” wika nitong Huwebes ni POC president Abraham (Bambol) Tolentino, sa maaring pagsali ng mga manlalaro ng ‘Pinas sa Asian Indoor and Martial Arts Games o AIMAG at iba pang Olympic Qualifying Tournaments o OQT.
Hinirit pa ng pangulo ng rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling at Cavite Eight District Rep. na “Magiging part pa rin iyan ng exposure para sa Olympics at sa Vietnam SEA Games 2021.”
Mas maagang pinahayag ni PSC Chairman William (Butch) Ramirez, na bilang kaligtsan sa Covid-19, nais niya munang manatili ang mga atleta sa kani- kanilang mga lalawigan para agad makapasa kapag sumailalim na ang mga quarantine period at mga swab test na hindi magiging sagabal sa programa at training nila. (REC)
-
Ads May 13, 2023
-
Road closure sa Maynila, nagsimula na
NAGPATUPAD na nang pagsasara ng mga kalsada ang mga awtoridad sa bisinidad ng National Museum sa Maynila kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30. Alas-11 ng Linggo ng gabi nang umpisahang isara ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Maria Orosa Street mula Kalaw hanggang Padre Burogs, at General Luna […]
-
“When the time is right, I the Lord will make it happen” Isaiah 60:22