• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC: Praktis ng atleta, ‘di apektado ng COVID-19

HABANG wala pang pormal na anunsiyo buhat sa International Olympic Committee (IOC) kung itutuloy o hindi ang 2020 Tokyo Olympics sanhi ng coronavirus o Covid-19, tuloy ang ensayo at training ng mga national athletes na sasabak dito at ang mga atletang malaki ang tsansa na makapasok dito.

 

Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “ Butch” Ramirez sa isang panayam.
Ayon sa PSC chief, mas makabubuti umano na naghahanda ang mga atleta habang naghihintay ng anumang pahayag buhat sa IOC, hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa buong mundo.

 

“Our position is to await a formal announcement from the IOC but we have prepared for the worst (scenario),” ani Ramirez.

 

Nakatuon din umano ang pansin ng nasabing ahensiya sa mismong training ng mga atleta kung kaya naman minabuti nila na piliin Ang mga bansang walang kaso ng nasabing virus upang gawing ensayuhan.

 

Bukod pa dito ay siniguro din ng PSC chief na protektado ang mga atleta lalo na pagdating sa medical na aspeto upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

 

“Our elite athletes are training with strong medical provisions,” aniya.

 

Sinabi pa ni Ramirez na buhos ang suporta ng gobyerno lalo pa nga at naglaan ng kabuuang P100 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa preparasyon ng mga atleta patu going Olimpiyada.

 

“We have the P100 million budget of the President (Rodrigo R. Duterte) to focus on our target of 20 Filipino athletes for the Olympics,” ani Ramirez.

 

Kabilang sa mga pambato ng bansa na kasalukuyang naghahanda para sa Tokyo Olympics ay sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pati na Ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.

 

Bukod pa sa mga nabanggit na mga atleta na my malaking potensyal sa Olimpiyada ay sina judoka Kiyomi Watanabe, taekwondo jin Pauline Lopez, skateboard athlete Margielyn Didal at si Nesthy Petacio at iba pa.

 

Target ng PSC na makapagpadala ng 20 atleta para sa Olimpiyada, habang sa kasalukuyang ay sina Obiena at Yulo pa lamang ang may sigurado nang tiket.

 

Samantala, nakatakda namang tumanggap ng parangal bilang Executive of the Year si Ramirez para sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. (REC)

Other News
  • DOTr humihingi ng P19.8 B na budget para sa road transport sector

    Humihingi ng P19.8 billion ang Department of Transportation (DOTr) sa Senado upang maponduhan ang mga proyekto sa road transport sector na gagawin sa buong bansa sa susunod na taon.       Noong nakaraang committee meeting sa finance ng Senado, naghain ng proposal ang DOTr para sa kanilang 2022 budget kung saan nila hiningi ang […]

  • Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games

    NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021  sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.     Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong […]

  • PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

    NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.     Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.     Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]