Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.
Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong Miyerkoles ni Fernandez, na pokus sa usapan nila Tolentino ang nalalapit na kompetisyon at kahilingan sa gobyerno na makapag-bubble training na rin ang mga atleta.
Aminado ang CDM na blangko pa siya sa sports at events at playing venues, bilang ng mga manalalarong bubuo sa pambansang delegasyon at ang magiging paghahanda ng ‘Pinas na pangkalahatang nagtatanggol na kampeon.
Sa ngayon, top three finish ang pinupuntirya ng PSC at POC para sa bansa sa nakatakdang palaro. (REC)
-
MAJA, umaming dahil sa pamilya kaya tinanggap ang offer ng TV5
NAGING honest si Maja Salvador sa naging deciding factor niya nang tanggapin niya ang offer ng TV5 at Brightlight Productions na lumipat mula sa pagiging Kapamilya star. Kasama sina Donny Pangilinan, Catriona Gray, Jake Ejercito at Piolo Pascual, sila ang mga host ng bagong ilulunsad na Sunday noontime show ng network, ang SNL o […]
-
Harassment ng Tsina sa Pinas, concern sa Europa- German FM Baerbock
SINABI ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na itinuturing ng Europa na isang malaking “concern” ang mapanganib na pagmamaniobra ng Tsina sa Philippine vessels sa South China Sea. Para kay Baerbock, ang ginawa ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international laws at balakid sa freedom of navigation. “I think we […]
-
Gonzaga hinugot ng ZUS Coffee
DESIDIDO ang Zus Coffee Thunderbelles na makipagsabayan sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na papalo sa susunod na buwan. Ito ay matapos kunin ng Thunderbelles ang serbisyo ni opposite spiker at dating Most Valuable Player (MVP) Jovelyn Gonzaga para palakasin ang lineup nito. Pormal nang inanunsiyo ng pamunuan ng Thunderbelles ang pagkuha […]