PSC: Tulong ng pribadong sektor, hihingin para mabigyan ng allowance ang mga nat’l athletes, coaches
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Binabalak ng Philippine Sports Commission (PSC) na hingin ang tulong ng pribadong sektor para bayaran ang bahagi ng monthly allowance ng mga national athletes at coaches.
Tinapyasan kasi ng PSC kamakailan ang natatanggap na allowance ng mga atleta at coaches bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang mga business magnates na sina Dennis Uy at Ramon Ang na posible raw makatulong sa mga atleta.
“If our conversation here will be heard by the rich private corporations like Dennis Uy (Phoenix Petrolium), Ramon Ang (San Miguel), SM and others, they could help our athletes,” ani Ramirez.
Maliban dito, sinimulan na ng ahensya ang pagkansela sa karamihan sa mga kontrata ng grassroots coaches, at nasa 30 hanggang 45 PSC coordinators sa iba’t ibang sulok ng bansa.
“It breaks our hearts and from the start of the lockdown, but we never cut off our connection to the athletes,” wika ni Ramirez.
Pinag-uusapan na rin daw nila sa PSC ang reevaluation ng contract renewal ng nasa 23 foreign coach, kasama na ang mga coach nina EJ Obiena at Carlos Yulo na kwalipikado na sa Tokyo Olympics.
Sa ngayon din ay hindi pa naipapadala ng PSC ang P2-milyong funding para kay Obiena, na pambayad naman nito sa kanyang gastusin sa Formia, Italy.
Una nang ipinaliwanag ng ahensya na bahagi ito ng paghihigpit nila ng sinturon dahil sa malaki ang nabawas sa natatanggap nilang monthly remittance mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation.
Mula kasi sa buwanang pondo na umaabot hanggang P150-milyon, nakatanggap lamang sila ng P9-milyon kaya napilitan silang tapyasan ng kalahati ang allowance na nakukuha ng mga atleta at mga coaches.
-
Mga papuri, buhos pa rin sa nurse na tumulong magpaanak sa isang street dweller sa Makati
Patuloy pa rin ang buhos ng mga papuri sa isang nurse matapos nitong tulungang manganak ang isang street dweller sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal, Makati City. Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team sa social media ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang […]
-
Wimbledon Grand Slam tournaments pinagbawalan ng makapaglaro ang mga Russian at Belarusian players
PAGBABAWALAN na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus. Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine. Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng […]
-
ANGEL, ipinagtanggol si KRIS sa nag-aakusa na may kinuhang Marcos jewels
IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin ang kaibigan niya na si Kris Aquino tungkol sa akusasyon na nasa possession nito ang ilang Imelda Marcos jewels. Sabi ni Angel kay kanyang IG post, “She can afford to buy her own jewelry with her hard-earned money thank you very much.” Kasama sa post ang ini-report ng Inquirer […]