• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers

Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions.

 

 

“Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, we wanted to honor our athletes who made the country proud, within boundaries of the safety protocols of course,” sabi ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Bumuhat ang national weightlifting team ng kabuuang dalawang gold, anim na silver at tatlong bronze medals sa Asian Weightlifting Championships at bagama’t walang nakuhang medalya ay pormal namang nasikwat ni 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang tiket para sa quadrennial event sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Ramirez na tatanggap si weightlifting prodigy Vanessa Sarno, kumolekta ng dalawang ginto at isang pilak, kasama sina Mary Flor Diaz, Elreen Ando at Kristel Macrohon ng cash incentives base sa Republic Act No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’. No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’.

 

 

Samantala, walang napitas na Olympic berth ang mga national fencers na lumahok sa Asia-Ocea-nia Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Si Samantha Catantan lamang ang nakahirit ng bronze medal sa nasabing torneo sa Uzbekistan.

 

 

Nakasama ni Catantan sa nasabing kampanya sina Nathaniel Perez, Jylyn Nicanor, Noelito Jose, Hanniel Abella at CJ Concepcion.

Other News
  • PSC P387-M ang utang sa SEAG

    KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.   Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB).   Ipinahayag ni PSC Executive […]

  • Mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga pinuno ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng executive branch, kabilang na ang government-owned and -controlled corporations, na mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa kani-kanilang tanggapan.   Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes ang Memorandum Circular 86, […]

  • ‘No vaccination, no ride’ policy ipatutupad sa mga public transport

    NAKATAKDANG  ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ‘no vaccination, no ride’ policy para sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa buong Metro Manila habang nasa ilalim ito ng Alert Level 3.     Ayon sa inilabas na department order ng kagawaran, ang lahat ng mga kinauukulang ahensya at sectoral offices ng DOTr […]