• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PTFoMS, hiniling sa PNP na imbestigahang mabuti ang pagpatay sa dating journalist na si Gwenn Salamida

HINILING ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpatay sa dating journalist Gwenn Salamida nitong nakaraang araw ng Martes.

 

Sinabi ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco, na bagama’t walang kinalaman o kaugnayan ang motibo ng pagpatay kay Salamida sa kanyang dating journalism career, kailangan pa rin na lumabas ang katotohanan para sa kapakanan ng kanyang pamilya kabilang na ang dalawa nitong anak na babae.

 

Si Salamida ay 41 taong gulang na sana matapos ang krimen.

 

“This is personal, Gwenn is a good friend and a former colleague. Those who are behind this cowardly act picked the wrong victim and they will pay dearly for it. We have already directed law enforcement agencies to use all available resources to hunt down and bring to justice the perpetrators of this heinous crime,” ayon kay Egco.

 

Sa ulat, binaril at napatay ng holdaper ang isang dating mamamahayag at may-ari na ngayon ng salon sa Quezon City.

 

Ayon sa Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit, pinasok ng salarin ang salon na pag-aari ni Salamida sa Barangay Apolonio Samson dakong 3:00 pm.

 

Nanlaban umano si Salamida at binaril ng salarin.

 

Isang kasamahan din ni Salamida ang nasugatan.

 

Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo, at inaalam pa kung may natangay siya mula sa biktima.

 

Napag-alaman na dating editor ng Remate si Salamida, at nagtrabaho rin sa isa pang tabloid.

 

Samantala, habang papalapit na ang election season, pinaalalahanan ni Egco ang kasalukuyan at dating miyembo ng media na mag-ingat dahil maaari silang maging target ng kanilang mga kaaway sa press freedom.

 

“Historically, there is a spike in election-related violence committed against journalists and other media workers as the election heats up,”ayon kay Egco. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Baron magaling ding mangingisda

    HINDI lang mahusay na volleyball player kaya naging star sa Philippine SuperLiga (PSL) si Mary Joy ‘Majoy’ Baron kundi sa pangingisda o panghuhuli rin ng isda.   Pinaskil sa Instagram kamakalawa ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker, na madalI lang para sa kanya ang pangingisda gamit ang isang ordinaryong fishing pole na ginawa buhat […]

  • Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

    Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.     “The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.   […]

  • DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’

    NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes. “I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have […]