• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUBLIC SCHOOL STUDENTS, NABIYAYAAN NG CASH ASSISTANCE

NABIYAYAAN  ng cash assistance ang may 935 public school students ng lokal na pamahalaan lungsod nitong Martes.

 

 

Ito na ang ikalawang batch na cash assistance  sa ilalim ng  Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng  Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila.

 

 

Ayon sa Manila LGU, ang mga benepisyaryo ay binubuo ng  Grade 1 hanggang  Senior High School public school students mula Baseco at una hanggang ikalimang distrito sa lungsod.

 

 

Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral educational.

 

Pinaalalahanan naman ng Manila LGU ang magulang ng mga estudyante na  gamitin ang cash aid para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi para sa pagbabayad ng mga utang. GENE ADSUARA

Other News
  • COMELEC nanawagang ire-activate rehistro para sa 2025 elections

    MULING nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na hanggang sa katapusan o Setyembre 30 na lang ang reactivation ng mga natanggal sa talaan ng botante.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may 5.37 milyon ang nadiskubre nilang deactivated o hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan.     […]

  • RUFA MAE, proud na pinost at ‘di makapaniwalang magiging cover ng Hollywood magazine

    BONGGA ang pasabog na IG post ni Rufa Mae Quinto-Magallanes dahil iko-cover siya ng Showbiz Hollywood na kung saan mga bulaklak lang ang saplot sa kanyang sexy body na ikinatuwa ng kanyang followers at showbiz friends.     Caption ni Rufa Mae, “Pasabog for the week! I had the pleasure of shooting with one of […]

  • Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30

    PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.   Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting […]