• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko binalaan kontra Powerstar malware

NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities.

 

 

Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish ang sensitibong data.

 

 

Ang Powerstar Backdoor Malware ay isang uri ng computer virus na kayang kunin ang mga sensitibong impormasyon. Ang isang click sa malicious link, attachment, o pag- download sa update ay puwedeng maging dahilan para ma-infect ang linked devices tulad ng smartphones, tablets, laptops, o desktops kung saan makukuha ang sensitibong impormasyon tulad ng e-wallet at bank accounts.

 

 

Para protektahan ang publiko laban sa ganitong cyber-attack, ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at GCash ay nagbahagi ng guidelines.

 

 

Ang mga PC user ay pinapayuhang i-update ang kanilang software para sa latest security patches at enhancements. Ang pagpili sa mga kilalang anti-virus at anti-malware software ay magpapataas sa user protection. Dapat ding i-enable ng users ang firewalls at bantayan ang kahina-hinalang pag-uugali sa kanilang devices. Dapat ding gumamit ng malakas at kakaibang passwords sa lahat ng kanilang accounts.

 

 

Pinapayuhan din ang mga user na maging maingat sa kanilang email attachments, lalo na kung galing sa hindi kilalang sources, kapag gumagamit ng devices at maging alerto sa phishing links mula sa emails, messaging apps, at social media posts. Maging maingat sa pag-download ng software, at dapat lang gawin mula sa mga pinagkakatiwalaang sources.

 

 

Muling nagpapaalala ang GCash sa mga user na huwag ibahagi kaninuman ang kanilang MPIN at OTP at iwasang mag-click ng hindi kilalang links mula sa websites, emails, at messaging apps.

 

 

Para sa mga kailangang  tulong, maaaring tawagan ang PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116, at sa kanilang email na acg@pnp.gov.ph.

 

 

Para magsumbong ng scams at iba pang ilegal na gawain, maaari ring bisitahin ang official GCash Help Center sa help.gcash.com o i-message si Gigi sa website at i-type ang “I want to report a scam.” Pwede ring tawagan ang official GCash hotline sa 2882 para sa iba pang concerns.

 

 

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.gcash.com.ph.

Other News
  • Nakapag-recharge sa bakasyon sa Japan; CARLA, naging stress-reliever ang mag-yoga

    PROUD si Patricia Javier sa kanyang 16-year old son na si Robert Douglas Walcher IV dahil ito ang mag-represent ng ating bansa sa Mister Teen International 2023 pageant na magaganap sa Thailand on June 1.     Noong May 28 ay sinamahan ni Patricia si Robert sa paglipad nito sa Thailand. Bilang mother ay gustong […]

  • Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

    BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.       Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief […]

  • Pacquiao- Mayweather malabo na!

    WALANG  balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.     Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.     Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa […]